News Releases

English | Tagalog

Jane de Leon, itatayo ang dignidad sa “Ipaglaban Mo”

March 21, 2019 AT 05 : 28 PM

Bears a child after being raped

Determindaong pagtagumpayan ni Jane de Leon ang kanyang laban para sa hustisya sa kanyang pagganap bilang ang 17-taong gulang na rape victim na si Tere ngayong Sabado sa “Ipaglaban Mo.”

Ulirang anak ang lesbian na si Tere (Jane de Leon). Siya ang pinagkukunan ng lakas ng inang si Salume “Umeng” Bandol (Meryll Soriano) na mabilis panghinaan ng loob.

Titigil ito sa pag-aaral para makatulong sa pamilya at mamasukan na kasambahay sa mabuting mag-asawang sina Cora (Lara Morena) at Jerome (Michael Rivero). Dahil sa ipinakitang katapatan at kabaitan, tinulungan ng mag-asawa na makapagkolehiyo si Tere.

Ngunit magiging mapaglaro ang kapalaran at pagsasamantalahan siya ng mga kaibigang Makot (Josef Elizarde) at Dandan (Lloyd Zaragosa) sa loob ng bahay mismo ng mga amo ni Tere at tatakutin pa na papatayin kapag magsumbong.

Ililihim ni Tere ang sinapit—hanggang sa maulit ang panghahalay sakanya. Dito magtatangka si Tere na kitlin na ang buhay, ngunit madidiskubre nilang mag-ina na nagbunga ang kahayupang dinanas nya.  
Magkakaroon ng lakas ng loob si Tere para ihabla ang mga sangkot sa krimeng ginawa sakanya.  
Ano ang magiging hatol ng korte sa matapang na paglaban nito sa mga gumahasa? May pagkakataon pa kayang matanggap ni Tere ang bunga ng panghahalay sakanyang sinapupunan?

Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang nag-iisang legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.

Huwag palampasin ang “Dignidad,” sa direksyon ni Tak Gordon Barrios, ngayong Sabado (Marso 23), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom
 

Tags: