Sa isang kwento tungkol sa pagbabago at pag-asa
Papatunayan ni Vance Larena na hindi hadlang ang pagkakakulong upang makamit ang bagong buhay at matupad ang mga pangarap sa pagbibigay buhay niya sa kwento ng isang ex-convict, drug dealer at adik na si Victorio ngayong Sabado, (24 Marso) sa “MMK.”
Hindi naging madali ang buhay para kay Victorio na naging construction worker sa murang edad na 12-anyos para makatulong sa amang may sakit at sa pamilya.
Ilang beses nang muntik mahuli ito sa pagbebenta ng droga, ngunit kalaunan, mahuhuli rin ito. Labis na nagdamdam ang amang si Nitoy (Ronnie Lazaro) at muntik na ring bawian ng buhay nang magyari ito. Dahil dito, nagkaroon ng depresyon si Victorio. Naging masaklap ang karanasan nito sa bilangguan. Matapos masali sa isang
gang sa loob
, nabugbog ito. At dahil ayaw nitong isiwalat ang mga pangalan ng mga kasabwat sa pagbebenta ng droga sa takot na balikan ang pamilya, sinaktan rin ito ng mga pulis.
Ngunit magbabago ang lahat nang madiskubre ni Victorio na maari palang magpatuloy ng pag-aaral habang nakakulong. Sa kanyang pagpupursige, nakapagtapos ito at kinilalang isa sa pinakamagaling ne estudyante sa buong bayan. Matapos lamang ang dalawang taon, nakalaya si Victorio at nabigyan pa ng scholarship ng Quezon City Polytechnic University.
Paano nakayanan ni Victorio ang buhay sa loob ng selda? Kaya ba talaga ng isang tao mabago ang direksyon ng kanyang buhay kahit gaano ito kalugmok sa paghihirap?
Kasama sa episode na ito sina Angelo Ilagan, Kiko Matos, JB Agustin, Luke Alford, Lance Lucido, Christian Morones, at Dido Dela Paz. Ang “MMK” na ito ay sa ilalim ng direksyon ni Elfren Vibar at isinulat ni Mae Rose Balanay.
Huwag kalimutan ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o puntahan ang
www.abs-cbn.com/newsroom.