News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, pinakita ang galing sa digital sa PMC Year 13

March 25, 2019 AT 09 : 54 AM

 ABS-CBN showcased its digital shift from a being a broadcast company to more than 1,500 student delegates at the ABS-CBN Pinoy Media Congress Year 13 (PMC13) mounted in partnership with the Philippine Association for Communication Educators (PACE).

Mga mag-aaral, na-inspire sa iWant, Black Sheep, at Star Music

 
Ipinakita ng ABS-CBN ang mga pagbabago at mga inobasyon nito sa larangan ng digital media sa higit 1,500 na mag-aaral sa Pinoy Media Congress Year 13 (PMC13), na ginanap kamakailan lang sa pagtutulungan ng ABS-CBN at Philippine Association for Communication Educators (PACE).
 
Kinuwento ng iWant head na si Elaine Uy-Casipit kung paano tinutugunan ng iWant, na mayroon nang 11.3 milyong subscriber sa pagpasok ng 2019, ang demand ng mga netizen para sa iba’t ibang content sa mga handog nitong ABS-CBN shows, digital concerts, musika, sports, at mga orihinal na palabas tulad ng “Glorious” at “Bagman.”  
 
Dagdag pa ng head of content ng iWant na si Ginny Ocampo, bukas ang kumpanya na makipag-partner sa iba’t ibang indibidwal o organisasyon upang makagawa ng marami pang palabas na naaayon sa panahon ngayon at papatok sa mga manonood.
 
Kinuwento rin ng Star Music head na si Roxy Liquigan kung paano naging isang ganap na digital company na ang Star Music. Ibinahagi rin niya kung paano nila nasasagot ang iba-ibang gustong tunog ng mga tao at paano nila napasikat ang mga artist tulad nina Moira Dela Torre at Inigo Pascual.
 
Nakita naman ng mga mag-aaral ang mga pagbabago sa industriya ng pelikula at ang mga ginagawa ng ABS-CBN upang pangalagaan ang kasaysayan nito. Tinalakay ng Black Sheep Films creative director na si Kriz Gazmen ang paggamit ng temang pang-millennial sa mga palabas ngayon, at kinuwento naman ng ABS-CBN Film Restoration project head na si Leo Katigbak ang mga ginagawa ng ABS-CBN upang maisalba ang mga klasikong pelikulang Pilipino para mapanood pa ang mga ito ng susunod na henerasyon.   
 
Na-inspire rin ang mga mag-aaral na magpursige habang inaabot ang pangarap sa mga session ng ABS-CBN creative communications management head Robert Labayen at ng TV production business unit head na si Peter Edward Dizon.  
 
Samantala, nabigyan rin ng oportunidad ang mga mag-aaral na makipag diskusyon tungkol sa iba’t ibang isyu sa media ngayon kasama ang ABS-CBN president at CEO na si Carlo Katigbak, COO ng broadcast na si Cory Vidanes, at ang head ng Integrated News and Current Affairs na si Ging Reyes sa isang open forum.
 
Nagbahagi rin ng karunungan ang iba pang eksperto sa media tulad ni Bea Atienza ng DENTSU Aegis Network, Sherwin Dela Cruz ng iFlix, at Arline Adeva ng Jollibee Studios, habang nagbigay naman ng tips sa paggawa ng video ang Kapamilya host at superstar vlogger na si Alex Gonzaga.
 
Ginanap ang Pinoy Media Congress noong Marso 7 at 8 sa College of Holy Spirit Manila at sa University of San Agustin sa Iloilo City sa pamamagitan ng isang interactive live broadcast. Si Robi Domingo ang host noong pangalawang araw, kung saan nagsilbi ring guest moderator ang ABS-CBN reporter na si MJ Felipe.
 
Sa 13 taong pagsasagawa nito, mahigit 10,000 estudyante na ang nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa media at nabigyan ng inspirasyon sa larangang nais nilang pasukin mula sa mga nakilahok na media practitioners at mga eksperto sa industriya sa PMC.