News Releases

English | Tagalog

Arellano U, nais ang three-peat sa NCAA Cheerleading sa ABS-CBN S+A

March 25, 2019 AT 03 : 27 PM

The Cheerleading competition will air LIVE starting 3 pm

Susubukang sungkitin ng Arellano University (AU) Chiefsquad ang kanilang ikatlong-sunod na korona sa NCAA Cheerleading Competition sa darating na Huwebes (Marso 28), na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A at S+A HD at may livestreaming sa iWant Sports mula sa Mall of Asia Arena sa Pasay City simula ng 3 pm.
 
Nananatiling paborito sa kompetisyon ang Chiefsquad, na mayroon nang anim na titulo kabilang ang nakamit nila noong taong 2017 at 2018.  
 
Dalawa sa magiging matinding kalaban ng Chiefsquad ang 12-time champion na Altas Perpsquad ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) at San Beda Red Corps of the San Beda University (SBU), na pumwesto ng pangalawa at pangatlo noong Season 93. Inaasahan ring hindi magpapatalo ang mga kalahok mula sa Lakas Arriba Cheerleading Team ng Colegio De San Juan de Letran (CSJL), College of Saint Benilde (CSB) Pep Squad, Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals Pep Squad, Jose Rizal University (JRU) Pep Squad, Lyceum of the Philippines University (LPU), Mapua University Cheerping Cardinals (MU); at Golden Stags Cheerleading Squad of San Sebastian College-Recoletos (SSC-R).
 
Magsisilbing host para sa huling paligsahan ng NCAA sina NCAA panelist Andrei Felix at dating “Pinoy Big Brother” housemate Dawn Chang. Samantala, magkakaroon naman ng espesyal na pagtatanghal sina Kapamilya actress at Star Music artist Janella Salvador kasama ang kampeon ng Japanese Cheerleading Open 2018 na Taguig Science High School Sinag Pep Squad.
 
Huwag palampasin ang indakan at mga kahindik-hindik na stunts ng mga estudyante ng NCAA sa pag-ere ng NCAA Season 94 Cheerleading Competition ng LIVE sa S+A, S+A HD, at sa livestream ng iWant Sports simula 3 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
 
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa NCAA, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.