Arellano U went for three!
Nanaig sa ikatlong-sunod na taon ang Arellano University (AU) Chiefsquad sa NCAA Season 94Cheearleading Competition, na napanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A at S+A HD mula sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City noong Marso 28.
Ito na ang ikapitong korona ng Chiefsquad sa naturang kumpetisyon, samantalang pinakamarami pa rin ang titulo ng runner-up ngayong season na University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Altas Perpsquad, na may 12 na. Nagtala ang AU ng 229.5 na puntos para sa kanilang pagtatanghal, habang nakakuha naman ang UPHSD ng 222.5, at ang Mapua University Cheerping Cardinals ng 211.5.
Bago ginawad ang mga tropeo sa Cheerleading Competition, kinilala muna ang mga koponang nagkampeon sa Juniors at Seniors division ng buong komunidad ng NCAA. Nasungkit muli ng SBU ang general championship para sa taong ito, ang kanilang ika-pito, salamat sa kanilang pagpapakitang-gilas sa Basketball, Volleyball, at Swimming. Samantala, nakamit naman ng UPHSD ang kauna-unahang titulo nila bilang general champion sa Juniors.
Nagsilbing host sa huling kumpetisyon ng liga sina NCAA panelist Andrei Felix at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Dawn Chang. Binuksan naman ni Kapamilya actress at Star Music artist Janella Salvador ang palabas sa isang mainit na song and dance number.
Hindi man nanaig, maganda rin ang ipinakita ng Colegio De San Juan De Letran, College of St. Benilde, SBU, Jose Rizal University Pep Squad, at Emilio Aguinaldo College Pep Squad sa pinakahuling kompetisyon sa NCAA Season 94.
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa NCAA, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang
www.abscbnpr.com.