The hit crime suspense drama “Hanggang Saan,” that was top billed by the mother-son tandem of Sylvia Sanchez and Arjo Atayde, will soon air in Turkey via FOX Turkey, one of the country's most watched free TV channels.
Kapamilya network, mas tumitindi ang presensya abroad
Patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ang crime suspense serye nitong “Hanggang Saan,” na pinagbidahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, ay nakatakdang magkaroon ng lokal na bersyon sa Turkey, matapos naisara ang deal ng ABS-CBN sa Limon Yapim, isang nangungunang content production company sa Turkey.
Tatawaging “A Mother’s Guilt” ang bersyon ng Turkey ng “Hanggang Saan” na inaasahang magsisimula ang shooting ngayong second quarter ng 2019. Isa rin itong milestone para sa Kapamilya network dahil bukod sa co-producer ang ABS-CBN sa local adaptation, ito rin ang kauna-unahang format buy ng ABS-CBN sa Turkey na isang patunay na patuloy na lumalakas ang presensya ng mga programa ng Kapamilya network abroad.
Napapanood sa mahigit 50 na teritoryo ang mga programa ng ABS-CBN. Nakapagtala naman ang ABS-CBN ng higit sa 50,000 oras na naibentang palabas sa buong mundo.
“Patunay na naman na ang gagawing bersyon ng ‘Hanggang Saan (A Mother’s Guilt)’ sa Turkey na tinatangkilik ng dayuhang viewers ang kwentong Filipino dahil laging nakaangkla sa pandaigdigang tema na pagmamahal sa pamilya ang ating mga kwento. Sabik na kaming mapanood ng mga manonood sa Turkey ang ‘A Mother’s Guilt,” ani Laarni Yu, ABS-CBN International Distribution EMEA sales head.
Mga magagaling na aktor at aktres sa Turkey ang napupusuang gampanan ang papel ng mga karakter sa teleserye tulad nina Sonya (Sylvia Sanchez) at Paco (Arjo Atayde).
Naganap ang contract signing ng ABS-CBN at Limon Yapim sa Cannes, Frances sa MIPTV, isang international event para sa mga kompanya na nasa larangan ng content development at distribution. Isang kilalang production company sa Turkey ang Limon Yapim na nasa likod ng mga top-rating teleserye at patok na pelikula sa naturang bansa.
Noong umeere ang “Hanggang Saan” sa telebisyon, maraming viewers ang humanga sa kakaibang kwento nito pati na sa ipinamalas na galing sa pag-arte ng cast.