News Releases

English | Tagalog

Koreanovela hit "Because This Is My First Life" unang aarangkada sa Asianovela Channel

April 10, 2019 AT 02 : 08 PM

Park Bo Gum, back at Asianovela Channel with “Love in the Moonlight”

 Park Bo Gum, back at Asianovela Channel with “Love in the Moonlight”
 
 
Tuloy ang saya at kilig kasama ang Asianovela Channel, ang ultimate fanbayan on free TV na nasa TVplus, ngayong Abril sa “Because This Is My First Life,” isang rom-com serye tungkol sa mga relasyon at karera sa buhay.

Mapipilitang tumira sa iisang bahay ang dalawang magkaibang personalidad na sina Nam Se-hee at Yoon Ji-ho dahil sa mga personal at propesyonal na dahilan. Hanggang saan kaya sila dadalhin ng kanilang pagiging “housemates?”

Una itong ipapalabas sa bansa sa Asianovela Channel na pinagbibidahan ng singer-model na si Lee Min-ki at premyadong South Korean actress na si Jung So-min.  Ipinalabas sa South Korea ang hit na “Because This Is My First Life” nitong 2017 at mga “real-life” na eksena nito pati na sa matamis na kwento ng kanilang mga karakter. Matutunghayan ang “Because This Is My First Life” tuwing Lunes hanggang Biyernes (9:00 AM). May replays din ito tuwing hapon (2:00 PM) at gabi (7:00 PM).

Samantala, magbabalik Asianovela Channel si Park Bo Gum sa “Love in the Moonlight” tuwing Lunes hanggang Biyernes (10 AM). May replay ito tuwing hapon (3:00 PM), at hatingagbi (12:00 midnight). At sa Sabado Abril 20 at 21 (9:00am at 11:00am).

Kasabay ng pagbalik ng “Love in the Moonlight” sa Asianovela Channel ang kauna-unahang Asian Tour fan meeting ni Park Bo Gum sa Mall of Asia Arena sa  Abril 27.

Mapapanood naman ang mga bagong Koreanovela hits tulad ng romance at fantasy na “Sensory Couple,” (Lunes hanggang Biyernes,5:00 AM, 5:00 PM, 10:00 PM, replay-Abril 20 at 21, 7:00 AM), ang maaksyong “The K2,”(Lunes hanggang Biyernes, 6:00 AM at 6:00 PM, replay-Abril 13 at 14, 5:00 AM) at ang romcom fantaserye na “Legend of the Blue Sea,” (Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM,1:00 PM at 9:00 PM, na may replay ng Abril 13 at 14 ng 1:00 PM).

Mas marami na ring TVplus users ang tumatangkilik sa Asianovela Channel na ngayon ay ika-walong pinakapinapanood na channel sa mga kabahayan na naka-DTT, ayon sa Kantar Media Q4 2018 report na sakop ang DTT households nationwide.

Patuloy ding nasusubaybayan sa Asianovela Channel ng ABS-CBN TVplus buong Abril ang Koreanovela favorites na “Uncontrollably Fond,” “Tomorrow with You,” “The King is in love,” “Orange Marmalade,” “What’s Wrong with Secretary Kim?, at “That Man Oh Soo.”

Tumutok lang sa Asianovela Channel, ang ultimate fanbayan on free TV, para mapanood ang “Because This Is My First Life” at marami pang palabas. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang Asianovela Channel sa Facebook (fb.com/AsianovelaChannel). Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.