News Releases

English | Tagalog

TNT Boys, handa nang sumabak sa world tour

April 10, 2019 AT 03 : 06 PM

After making headlines around the world, the TNT Boys are ready to perform for Filipino and foreign fans abroad.

Lilipad na palabas ng bansa ang international sensation na TNT Boys para magbigay-saya at magpakitang gilas sa kanilang Pinoy at foreign fans abroad sa kanilang international concert tour na “TNT Boys Listen: The World Tour” ngayong Abril.
 
Makakasama ng TNT Boys sa tour ang special guests na Filipino-American artists na nakilala sa US, kabilang na ang child prodigy na si Angelica Hale (“America’s Got Talent”), pop and RnB singer na si Cheesa (“The Voice”), at ang musician na si Troy Laureta. Magbabahagi rin ng performances ang hiphop dance group na Str8jacket mula sa “World of Dance.”
 
Base sa unang major concert ng TNT Boys noong Nobyembre 2018 na siyang nagtalaga sa kanila bilang mga pinakabatang Pinoy sold-out concert performers, magsisimula ang concert tour sa Chabot College, Hayward California ngayong Abril 23, na susundan naman sa The Theater at Ace Hotel, Los Angeles, California sa Abril 25. Lilipad naman sila papuntang Canada ng Abril 27 at magpe-perform sa Edmonton Expo Centre, Alberta sa Abril 27.
 
Para sa iba pang detalye at para mag-book ng tickets, pumunta lang sa official website ng TNT Boys na www.thetntboys.com.
 
Habang abala ang TNT Boys sa paghahanda para sa concert tour, hindi naman nila nakakalimutan ang kahalagahan ng pag-aaral. Kamakailan, naging bahagi sila ng moving up ceremony ng Christian Filipino Academy, kung saan nakakuha si Mackie Concepcion ng certificate of excellence sa Math, si Keifer Sanchez sa English, at si Francis Concepcion naman sa Araling Panlipunan.
 
Bago naman tumulak pa-abroad ang trio, ilulunsad din nila ang kanilang unang single na pinamagatang “Together We Fly,” isang ang bago at orihinal na awitin na ipinrodus at ire-release sa ilalim ng TNT Records.
 

The TNT Boys perform their upcoming single "Together We Fly"

Handog din nina Mackie, Keifer, at Francis sa kanilang fans ang isang bagong cover ng “Break Free” ni Ariana Grande. Mapapanood sa TNT Versions YouTube channel ang naturang rendition at sa ngayon ay mayroon nang 306,000 views at patuloy na umaani ng papuri mula sa fans sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
 
Sunod-sunod na nga ang pagkilalang natatanggap ng TNT Boys sa buong mundo. Bukod sa pagsali sa international talent competition na “The World’s Best,” napanood na rin sila sa international TV shows gaya ng “The Late Late Show with James Corden,” kung saan naka-duet nila ang number one global superstar na si Ariana Grande.
 
Isa lamang ang TNT Boys sa Pinoy artists na matagumpay na kinikilala sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa patuloy na pagtataguyod at pagbabahagi ng ABS-CBN ng talento ng mga Pilipino sa buong mundo.
 
Unang nakilala sina Mackie, Keifer, at Francis bilang grand finalists ng “Tawag ng Tanghalan Kids” at nabuo bilang grupo noong 2017. Matinding galing sa pag-awit ang kanilang ipinamalas na nagdala sa kanila sa iba’t-ibang panig ng mundo, kabilang na sa “Little Big Shots” UK, US, at Australia, at nakapag-perform na rin sila sa harap ng iba’t-ibang head of states gaya nina Pres. Rodrigo Duterte, Singaporean president Halimah Yacob, at Papua New Guinea prime minister Peter O’ Neill. Sila rin ang itinanghal na grand winner ng ikalawang season ng “Your Face Sounds Familiar Kids.”