Will inspire Filipinos with his strength of character
Ipapakita ni Bryan Tagarao, kilala bilang “It's Showtime Miss Q & A” InterTALAKtik Queen, Brenda Mage, kung paano niya pinagtagumpayan ang panghuhusga ng lipunan sa kanyang pagiging bakla at mahirap, ngayong Sabado (Abril 13) sa “MMK.”
Hindi naging madali ang pamumuhay ni Bryan Tagarao (Awra Briguela) noong siya’y bata pa, ngunit lagi niyang hinarap ang mga hamon gamit and katatawanan at dala ang maayos na disposisyon.
Galing sa pamilya ng mga komedyante ang taga-Cagayan de Orong si Bryan, ngunit naging mahirap pa rin para sa kanya ang makisama at tanggapin ng lipunan.Seryoso ang kanyang buhay pamilya at napaka-istrikto ng kanyang amang si Romeo (Bembol Roco) na pilit itong pinatatago ang kanyang pagiging bakla.
Matindi ang pangungutya sa kanya pero sa kabila nito, ngunit pinakita nito ang pusong busilak dahil sa pag-alalay sa pamilya sa murang edad.
Tumigil si Bryan sa pag-aaral para makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at kalaunan ay naging “breadwinner.” Samu’t-saring trabaho ang pinasok nito para sa pamilya, mula sa pagtitinda ng mais, burger, at pagiging janitor.
Bilang binata, nagsumikap sya para magkilos lalake para sa pamilya upang maipagmalaki siya ng mga kaanak.
Patuloy niyang pinaglabanan ang mga pag-aalinlangan sa sarili at naging personal assistant pa ng Boy Band PH.
Sa edad na 21, nagdesisyon itong magpakatotoo sa sarili at humarap sa lipunan bilang kung ano talaga sya at dito isinilang si “Brenda Mage.”
Bilang Brenda, nakakuha ito ng mga raket sa pag-aartista sa mga indie films at naging entertainer pa sa Japan. Nagsimula din siyang mag-vlog, kung saan nagkaroon siya ng mas malawak na paraan para kumita ng mas malaki para sa pamilya.
Mas dumami pa ang kanyang naitutulong sa pamilya ng maging regular ito sa mga comedy bars. Sinuportahan siya ng pamilya, lalo na ng ina at nagsimulang irespeto at mas bigyang pansin ng amang pinangungulilaan.
Dahil sa pagsusumikap, kinoronahan na “It’s Showtime Miss Q and A InterTALAKtik" si Brenda at lalong namayagpag sa kanyang personal at propesyonal na buhay.
Kasama sa episode na ito sina Tanya Gomez, Jayson Gainza, Danita Paner, Paolo Rodriguez, Via Antonio, Kitkat at Mj Cayabyab. Idinirehe ito ni Richard Arellano at isinulat ni Dickson Comia.
Huwag kalimutang panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o magpunta sa
www.abs-cbn.com/newsroom.