The highest-grossing Filipino film of all time, an original romcom, and a hit 90s teen drama are the new additions to iWant’s line-up of content offerings.
Mas mapapahaba at mapapasarap ang panonood sa iWant ngayong Abril dahil ipapalabas na dito ang highest-grossing Filipino film of all time na “The Hows of Us,” ang original romcom na “Jhon en Martian,” at ang 90s teen drama na “Tabing Ilog.”
Matapos gumawa ng kasaysayan ang “The Hows of Us” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ekslusibo na itong napapanood sa iWant, ang nag-iisang streaming service sa bansa na siyang magkakarga sa record-breaking movie.
Sa pamamagitan ng pay-per-view na may halagang P30 lamang, mapapanood nang paulit-ulit ang pelikula kahit kailan at kahit saang device sa loob ng pitong araw.
Naging mainit ang pagsalubong ng fans sa pagdating ng pelikula sa iWant dahil non-stop ang naging pagpo-post nila habang nanonood, kung kaya’t nag-trend ang official hashtag na #THOUnlyOniWant sa Twitter.
Maaari ring “rentahin” sa loob ng pitong araw ang pay-per-view titles gaya ng “Exes Baggage,” “The Day After Valentine’s,” “I Love You, Hater,” “3 Words to Forever,” “Ang Babaeng Humayo,” “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka,” “2 Cool 2 Be 4gotten,” “Baka Bukas,” “First Love,” at MMFF 2018 entries na “Mary, Marry Me,” “The Girl in the Orange Dress,” "Rainbow's Sunset," at “One Great Love.”
Kabilang din sa mga bagong handog ng iWant ang original series at romantic-comedy na “Jhon en Martian,” tampok sina Arci Muñoz at Pepe Herrera bilang isang alien at isang tao na mahuhulog ang loob sa isa’t isa sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba.
Nagbabalik naman ang sikat na teen drama na “Tabing Ilog” na ipinagdiriwang ang 20th anniversary nito ngayong taon. Maaaring i-marathon ang episodes nito nang libre simula Abril 24.
Noong Marso, nagtala ng 89 milyong views ang iWant dala ng patuloy na panononood ng users ng Kapamilya shows, mga pelikula, at bagong original series na “Bagman” at “Touch Screen.”
Ang iWant ang natatanging streaming service sa bansa na may pinakamalaking kolesyon ng pelikula at palabas. Mapapanood nang libre dito ang iWant original movies at shows gaya ng “Spirits Reawaken,” “Alamat ng Ano,” “Ma,” “Laureen on a Budget,” “Everybody Loves Baby Wendy,” “High,” “The Gift,” “S.P.A.R.K.,” “The End,” “High,” “Allergy in Love,” “Hush,” “Project Feb. 14,” “Apple of My Eye,” “Touch Screen,” at “Bagman.”
Handog din nito ang mga luma at kasalukuyang umeereng Kapamilya shows, 1,500 na pelikula, restored film classics, documentaries, Asianovelas, live digital concerts, at ang livestreaming ng “iWant ASAP,” DZMM TeleRadyo, ABS-CBN Channel 2, at ABS-CBN S+A. Mapapakinggan din sa iWant ang libo-libong awitin ng sikat na Pinoy singers.
Ang iWant ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN na nagpapatunay sa patuloy nitong pag-transition bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.
For updates, like
www.facebook.com/iWant, and follow @iwant on Twitter and @iwantofficial on Instagram, and subscribe to
www.youtube.com/iWantPH.