News Releases

English | Tagalog

Mga Pilipino, "tatakbo" ngayong halalan sa "Race Your Voice" ng ABS-CBN

April 16, 2019 AT 03 : 49 PM

ABS-CBN turns voter education into a fun and interactive activity in “Race Your Voice,” an obstacle fun run on April 28 (Sunday) at the Quezon Memorial Circle in Quezon City staring at 5 am.

Kapamilya artists, sasali sa kampanya

 
Bago ang Halalan 2019, hinihikayat ang mga Pilipino na sumali at makilahok sa “Race Your Voice” ng ABS-CBN, isang obstacle fun run na gaganapin sa Abril 28 (Linggo) sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City simula 5 am. 
 
Layunin ng “Race Your Voice” ang maghatid ng mahalagang impormasyon kaugnay ng eleksyon at hikayating bumoto ang mga botante sa paparating na pambansang halalan nitong Mayo.
 
Maaaring sumali at makilahok ang mga estudyante, magulang, indibidwal, at pamilya sa obstacle run, kung saan masusubok ang kanilang kaalaman sa parating na eleksyon sa bawat obstacle katulad ng mga inflatable slide. Pwede rin sumali ang mga hindi botante para makilahok rin sa activity booths, matutunan ang proseso ng pagboboto, at makisaya sa mga performance at guest apprearance ng ilang Kapamilya stars.
 
Para sa mga nais sumali sa “Race Your Voice,” maaaring mag register sa pamamagitan ng pagbili ng race kits sa ABS-CBN Store sa ABS-CBN Compound, Glorietta, at Trinoma sa halagang P180. Para sa iba pang impormasyon pumunta sa bit.ly/RaceYourVoice.

Maaari ring dumiretso na sa Quezon Memorial Circle sa April 28 mula 5 am ang mga nais sumali sa mga activity booth at hindi sasali sa obstacle fun run. Para sa kaligtasan ng lahat, hindi puwede sumali ang mga babaeng buntis at mga batang mas bata sa edad na 7.
 
Kabilang ang “Race Your Voice” sa mga hakbangin ng Kapamilya network upang matulungan ang mga Pilipino sa kanilang pagpili ng mga karapatdapat maging lider sa Mayo 13.  Noong 2018, inilunsad ng ABS-CBN News ang “Halalan 2019” special election coverage, kung saan bukod sa pagbabalita ay nagsagawa rin ng tatlong debate tampok  ang mga kandidato sa pagka-senador na umere sa ABS-CBN, DZMM TeleRadyo, at sa ANC. Naghatid rin ang iba’t ibang programa sa ABS-CBN, DZMM, at ANC ng mga panayam at diskusyon tampok ang iba pang kandidato at  tungkol sa mga isyung nalalapit sa eleksyon. Samantala, tuloy naman ang misyon ng Bayan Mo, iPatrol mo na bumisita sa mga eskwelahan at komunidad sa buong bansa para maghatid ng mga workshop tungkol sa citizen journalism at tamang pagsusuri sa media, na mas kritikal at importante tuwing panahon ng halalan.
 
Para sa mga update, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa abscbnpr.com.
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE