News Releases

English | Tagalog

Mga estudyante sa Eastern Visayas, pinili ang mga programa at artista ng ABS-CBN

April 17, 2019 AT 01 : 06 PM

ABS-CBN dominated the fifth Students Choice Mass Media Awards of the Eastern Visayas State University-Ormoc City Campus (EVSU-OCC), winning 11 out of 15 awards. The Kapamilya network also won the Academe’s Choice Media Network of the Year and five other awards at the first Kidlat Sinaya Awards of Rizal Technological University (RTU).

 
RTU, pinarangalan ang ABS-CBN at MayWard

 
Nagwagi ang ABS-CBN sa ika-limang Students Choice Mass Media Awards ng Eastern Visayas State University-Ormoc City Campus (EVSU-OCC) at humakot ng 11 sa 15 na total na tropeo kamakailan lang. Nanalo rin ang Kapamilya network bilang Academe’s Choice Media Network of the Year at lima pang mga parangal sa kauna-unahang Kidlat Sinaya Awards ng Rizal Technological University (RTU).
 
Nanguna sa mga pinarangalan sa EVSU-OCC ang “TV Patrol,” na pinangalanang Most Trusted News TV Program, habang ang anchor nitong si Noli De Castro ang Most Trusted Male Newscaster. Panalo namang Most Trusted TV Male Field Reporter si Jeff Canoy ng ABS-CBN News, Best TV Morning Show ang “Umagang Kay Ganda” at Best Medical TV Program ang “Salamat Dok.”
 
Sa larangan ng entertainment, hinirang na Best TV Variety Show ang “It’s Showtime” habang ang “Banana Sundae” ang itinanghal na Best TV Comedy Show. Humamig rin ng tropeong Best TV Comedian si Vice Ganda.
 
Binoto rin ang “Maalaala Mo Kaya” bilang Best Drama Anthology Series, “The General’s Daughter” bilang Best Primetime TV Series, at “Kadenang Ginto” bilang Best Daytime TV Series.
 
Sa RTU naman, kinilala rin ng mga mag-aaral ng business sina Maymay Entrata at Edward Barber, o MayWard bilang People and Academe’s Choice Female and Male Celebrity Endorsers of the Year, at itinuring rin silang People and Academe’s Choice Loveteam of the Year.
 
Ginawaran rin ng tropeo n sina Toni at Alex Gonzaga at ang kanilang pamilya bilang People and Academe’s Choice Celebrity Family Endorser of the Year, habang ang anak ni Toni na si Seve Gonzaga-Soriano ang itinuring na People and Academe’s Choice Child Celebrity Endorser of the Year.
 
Binibigyang parangal ng EVSU-OCC Students’ Choice Mass Media Awards ang galing ng mga programa at personalidad na pinili ng mga mag-aaral at propesor nito, habang ang RTU Kidlat Sinaya Awards naman ay nagbibigay parangal sa mga magagaling na celebrity endorser sa larangan ng advertising.