News Releases

English | Tagalog

Benjie Paras matutulak sa paghihiganti para sa asawa sa "Ipaglaban Mo"

April 25, 2019 AT 05 : 59 PM

Charles Kieron is the ideal son to grieving family

Gaganap si Benjie Paras bilang isang mabuting ama na matutulak sa paghihiganti dahil sa biglaang pagkamatay ng asawa ngayong Sabado (Abril 27) sa “Ipaglaban Mo.”
 
Si Benjie ay ang ang uliran at masayahing ama na si Obet Reyes. Kasama ang asawang si Amor Reyes (Almira Muhlach), sumali ang dalawa sa isang sayawan sa pista sa Barrio Buhay na Tubig.
 
Sa kanilang pagdayo barrio, tatambangan ang dalawa at mababaril silang mag-asawa. Babawian ng buhay si Amor hindi maliligtas naman si Obet at makakatakas kasama ang dalawang anak na babae.
 
Nanag kanilang isuplong ito sa pulis, itatago ni Obet ang pagkakakilanlan sa pumatay sa asawa.
 
Magiging bugnutin at tahimik ang dating kengkoy na ama. Hihimukin siya ng mga anak lalo na ng panganay na si Dante Reyes (Charles Kieron) na sabihin sa mga awtoridad na ang tunay na pumatay sa kanilang ina ay ang matagal ng nakakairingang kapitbahay na sina Gaspar Dagarag (Ryan Eigenmann) at kapatid na si Tedy (Arvic Tan) dahil sa inggitan sa maisan.
 
Mapag-aalaman ng magkakapatid na pina-plano ng ama na maghiganti sa pamilya Gaspar ngunit magsusumamo ang mga ito na huwag ilagay ang batas sa kanyang mga kamay.
 
Matatauhan kaya si Obet o ilalagay pa ‘din niya ang batas sa kanyang mga kamay? Mahahatulan kaya at mapapatunayan ang pagpatay nina Gaspar kay Amor?
 
Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang nag-iisang legal drama sa bansa, ang mga makabuluhang episode base sa totoong buhay, na maaaring mapagkuhanan ng aral. Nagbibigay rin ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.
 
Huwag palampasin ang “Higanti” episode ng “Ipaglaban Mo,” sa direksyon ni Eduardo Roy, Jr. ngayong Sabado (Abril 27), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE