Jose Marie Viceral has penned his life story, before he became Vice Ganda, in the new book "Tutoy."
Nagbabalik ang unkabogable bestselling author!
Ipinasilip na ni Jose Marie Viceral o mas kilala bilang ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda ang kanyang pinakabagong libro, ang “Tutoy: Ang Fantastic Kwento ng Vaklang Twoooo!!!”
Sa bagong handog ng ABS-CBN Books nagbahagi ang “Gandang Gabi Vice” host ng mga kwento sa kanyang buhay kabataan, bilang si Tutoy na lumaki sa Tambunting Street sa Maynila.
“Sa librong ito inilahad ko kung sino si Tutoy nung bata, ano’ng mga naging karanasan nya, at bakit siya ganito ngayon—kung anong pinagmulan ni Vice Ganda,” kwento ng Phenomenal Box Office Star sa paglulunsad ng “Tutoy” book cover sa “It’s Showtime” noong Lunes (Abril 29).
“Masaya itong libro, pero sa bawat chapter may hugot at pulot mula sa iba’t ibang bahagi ng buhay ko,” dagdag pa niya.
Isa ring sorpresa ang libro para sa ina ni Vice Ganda. Anya, “Surprise ko ito sa kanya. My magandang chapter ito tungkol sa nanay ko, yung istorya ni Aling Paquita, ang ‘IT’ girl ng Tambunting.”
Inaasahang tampok sa libro ang mas marami pang katatawanan mula sa may-akda ng bestseller na “President Vice: Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas,” na mahigt sa 100,000 kopya na ang nabili simula nang ito ay inilunsad.
Maaari nang mag-order ng “Tutoy” sa National Book Store website at malapit na itong mabili sa National Book Store branches sa halagang P195. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram at bisitahin ang
www.abscbnpr.com.