News Releases

English | Tagalog

Joross at Nikki ipapamalas ang wagas na pagmamahal sa anak sa "MMK"

April 05, 2019 AT 12 : 09 PM

Sa paggunita ng "World Autism Awareness Month," inihahandog ng “MMK” ang kwento nina Anna at June, mga magulang na lalabanan ang kanilang kahinaan para ipakita ang kanilang pagmamahal sa mga anak na may autismo, ngayong Sabado, (Abril 6) sa "MMK."

Nagsumikap si Anna (Nikki) na magkaroon ng buo at perpektong pamilya dahil sa pagkaka-abandona sa kanya bilang anak ng isang G.I. o sundalong Amerikano. Dahil dito, inampon siya ng relihiyosang si Mama Rossie (Ruby Ruiz), na aktibong tumutulong sa simbahan sa kanilang komunidad.   

Napadpad siya sa Anak Bayan, Paco, Manila at nakikilala ang pinsang si June (Joross), na makakapalagayang-loob at naging asawa.

Ipinanganak ni Anna ang panganay na si John Paul (JM Ibanez), na madidiskubreng may autism. Tila gumuho ang kanilang mga pangarap at sinubukang iangat ang pamilya sa kabila ng mga pagsubok kaakibat ang pagkakaroon ng anak na may autism.

Nang mabuntis muli si Anna, umasa at nagdadasal sila na maiba ang tadhana ng pangalawang anak. Nadurog nang tuluyan ang kanilang mga puso ng ipanganak ni Anna si Joshua (Simon Pineda), na kapareho ng panganay, ay may autism.

Darating naman sa kanila ang pangatlong anak na si Judith (Miel De Leon). Ang tanging babae sa tatlong anak at tanging anak na walang autism.

Dahil dalawa sa anak ng bagong mag-asawa ang may autism, maraming pagsubok ang pinagdaanan nila, hanggang sa mapariwara si June at mambabae. Sa kabila nito, pinilit ni Anna na protektahan ang mga anak na mula sa mapanghusgang mata ng lipunan.

Samantala, sinubukan naman ni June na itaguyod ang pamilya at maging mabuting asawa kay Anna.

Sa pagtakbo ng panahon, lumitaw ang wagas at walang pasubaling pagmamahal ng mag-asawa sa kanilang pamilya sa kabila ng mga paghihignagpis at sama-samang haharapin ang bagong buhay ng may pag-asa sa kanilang mga puso.

 

Ngayon, naglilingkod ang mag-asawa sa Servants Charity, isang komunidad ng mga abandonadong batang Filipino may autism.

 

Ibinabahagi at tinutulungan ng mag-asawa ang kanilang mga sariling karanasan sa ibang mga pamilyang may mga mahal sa buhay na may autism at espesyal na pangangailangan para mabuhay sa isang mundong may pang-unawa at pagmamahal ang lahat ng mga pamilyang may kaparehong tadhana.

 

Kasama sa episode na ito sina Daria Ramirez, Mitch Naco, Elia Ilano, Harvey Bautista, Dwight Gaston, Jourdanne Castillo,  and Rommel Velasquez. Idinirehe ito n Frasco Mortiz at isinulat ni Bing Castro Villanueva.

Huwag kalimutang panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.