What the public came to know as “It’s Showtime’s” GirlTrends have reinvented themselves to become the next sought-after pop septet, GT.
Mula sa pagiging isang all-girl dance group ng “It’s Showtime,” mas pinalakas at mas palaban ang pinagsanib-pwersa at talento ng pitong miyembro ng bagong GirlTrends na ngayon ay tatawagin nang GT sa paglulunsad sa kanila bilang isang pop group.
Bagong look at isang debut single ang unang handog nina Mica Javier, Krissha Viaje, Chie Filomeno, Mikee Agustin, Sammie Rimando, Joana Hipolito, at Dawn Chang sa pagbabagong bihis ng grupo bilang recording artists at performers.
Pinamagatang “Breakthrough” ang single na isinulat at ipinrodus ng member na si Mica Javier na hatid ang mensahe ng women empowerment at pagiging positibo sa kabila ng mga dagok sa buhay.
Sa bagong GT, isa sa lead vocalists si Mica, na isa ring music producer, indie artist, at theater and film actress. Kasama niya sa lead vocals ang family breadwinner na si Krissha, na una nang ipinamalas ang galing sa pagkanta nang manalo bilang isa sa representatives ng bansa sa global talent competition sa Japan na “Nodojiman the World” noong 2017.
Lead dancer naman ng grupo ang host-actress na si Dawn, na sumikat para sa dance covers niya mula nang sumali sa “PBB” noong 2015. Game rin sa hatawan ang main dancer na si Joana, isang dating university cheerleader at “It’s Showtime” dancer.
Kilala naman si Chie para sa kanyang prangka at masiglang personalidad, palabang social media posts, at pagiging isang professional racer. Produkto rin ng “PBB” ang makulit at masayahing si Mikee na isa ring online sensation dahil sa kanyang song covers.
Samantala, si Sammie, 21, ang pinakabatang miyembro ng grupo at isa sa mga pinakakilalang Pinoy stars sa app na TikTok.
Dapat ding abangan ng fans ang music video ng “Breakthrough” na ipapalabas ngayong araw at nilikha ng isang all-female crew, sa pangunguna ng direktor na si Sol Garcia, production designer na si Lars Magbanua, at editors na sina Mai Dionisio at Alliyah Laurente. Kasama rin sa pagbubuo nito ang executive producer na si Dess Inocencio-Madali, associate producer na si Krstyn Mistica, segment producers na sina Reeza Garcia-Laguio at Seline Tan Ong Tan, production assistant na si Dolly Lastimada, at stylist na si Icah Villanueva.
Para sa updates, i-like o i-follow ang @GTbreakthrough sa Facebook, Instagram, Twitter, at YouTube.