News Releases

English | Tagalog

Pagsisimula ni Toni na mas pinatamis, panalo sa manonood

May 17, 2019 AT 10 : 30 AM

Patuloy ang pagsuporta ng Kapamilya kay Julie na ginagampanan ni Toni Gonzaga sa bagong kabanata ng kanyang buhay noong Sabado (Mayo 11) sa "Home Sweetie Home." 

Ayon sa Kantar Media, mas maraming Pilipino ang napukaw at natuwa sa bagong pamilya ni Julie kaya naman nakakuha ang palabas ng 37.2 percent laban sa 18.7%  Pepito Manaloto.

Hindi lamang sa ratings nanguna ang sitcom, number one din ang hashtag nitong #HomeSweetieHomeExtraSweet sa trending topics sa Twitter.

Umaapaw na papuri ang natanggap ng show sa netizens sa pagsasama nina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, Bayani Agabayani, at Toni sa iisang show. Inantabayanan din ng fans ng "PBB Otso" housemates na sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong ang unang palabas nila sa Dos. 

Pahayag ni Twitter user @JPValdez2019, " Congrats sa #HomeSweetieHomeExtraSweet sa kanilang episode noong nakaraang linggo. Masaya ako na lahat ng pinaka-sikat sa comedy ay nagpagsama-sama sa show na ito. Gusto ko itong concept na combination ng Palibhasa Lalake at Ok Fine Whatever pero hindi mawawala ang moral values ng show." 

Sabi ni @TheArch70456136, "Sobrang ganda ng casting. Natural na natural lang lalo na ang batuhan ng asaran nina Alex at Luis." 

Natuwa naman si @Clyde22_Deluxe5 sa Gonzaga sisters, "Ang kulit ng magkapatid na Goznaga. Galing din ng bagong cast."

 "Tawang tawa ako ang cute nina Hiro at Bogs. #HomeSweetieHomeExtraSweet," komento ni @GTSJDG.

Noong Sabado (Mayo 11), natunghayan ng mga manonood ang paglipat ni Julie sa kanyang Tita Oya (Rio Locsin) nang maupos ang bahay nito. Sakto naman na pumayag din si Tita Oya na tumuloy muna ang half-sister ni Julie na si Mikee (Alex) matapos makulong ang nanay nito. Maliban sa kapatid, nagkaroon din siya ng bagong kaibigan sa katauhan nina Pip (Luis), Edwin (Bayani), at Ferdie (Vhong) pati na ang mga kasama nila sa baranggay na sina Hiro (Fumiya), isang exchange student, Bogs (Yamyam), isang tagabantay sa ‘pera padala’ na pafmamay-ari ni Kap Frank (Bobot Mortiz).

Patuloy na tangkilikin ang kwento ni Julie at ng kanyang bagong pamilya sa "Home Sweetie Home" tuwing Sabado pagkatapos ng "TV Patrol."