News Releases

English | Tagalog

Digitally restored na "Bakit 'Di Totohanin" nina Piolo at Judy Ann, eere sa Sunday's Best

May 22, 2019 AT 12 : 48 PM

Muling matutunghayan ang kilig na dala ng tambalan nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos dahil mapapanood na sa ABS-CBN sa unang pagkakataon ang digitally restored version ng pelikula nilang “Bakit ‘Di Totohanin” ngayong Linggo (Mayo 26) sa Sunday’s Best.
 
Balikan ang kwento ni Katong (Judy Ann), isang babaeng napilitang lumaban sa boxing para mabawi ang pag-aaring gym nilang napatalo sa pustahan ng kanyang lola. Dito magkukrus ang landas nila ni Paul (Piolo), isang boxing trainer na magtuturo sa kanya upang humusay sa pakikipalaban.
 
Sa pagtagal ng panahon, unti-unti silang mahuhulog sa isa’t-isa at mas lalo pang titibay ang samahan dahil sa kanilang pagmamahalan.
 
Kasama rin sa pelikula sina Johnny Delgado, Epy Quizon, at Gloria Romero. Sa ilalim ito ng direksyon ni Boots Plata.
 
Ang digitally restored version ng “Bakit ‘Di Totohanin” ay mula sa proyekto ng ABS-CBN Film Restoration kasama ang Central Digital Lab na naglalayong i-remaster ang piling Filipino films upang patuloy itong matunghayan ng mga susunod pang henerasyon ng mga manonood. Ilan nga sa mga pelikulang na-restore ng proyekto ay “Himala,” “Oro, Plata, Mata,” at “Kakabakaba Ka Ba?”
 
Tutukan ang mga pelikula, dokumentaryo, at iba pang palabas na handog ng “Sunday’s Best” tuwing Linggo sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.