News Releases

English | Tagalog

PVL Reinforced Conference, lalarga na muli sa ABS-CBN S+A at iWant Sports

May 23, 2019 AT 06 : 13 PM

Bagong mga koponan at pambato, tampok ngayong taon…

Nagbabalik ang Premier Volleyball League (PVL) sa ABS-CBN S+A para sa ikatlong taon nito ngayong Linggo (Mayo 26) na bubuksan ng 2019 Reinforced Conference tampok ang mga bagong koponan at manlalaro. Mapapanood ang unang mga laban ng liga ng IVE sa ABS-CBN S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, at sa livestream sa iWant Sports simula 2 pm.
 
Volleyball fans can expect an all-out battle right away with newcomer PacificTown-Army Lady Troopers, a veteran squad bannered by star utility spiker Jovelyn Gonzaga, tries to make a statement against the young but talented BaliPure Purest Water Defenders led by NCAA standout Katrina Racelis in the first match.
 
Walang humpay na aksyon ang aasahan ng volleyball fans lalo na sa pagdating ng mga beterano ng PacificTown-Army Lady Troopers sa pangunguna ni Jovelyn Gonzaga na makikipagbuno sa mga bata pero palabang BaliPure Purest Water Defenders ng pambato ng NCAA na si Kat Racelis. Susundan ito sa 4 pm ng harapan ng 2018 Reinforced Conference champion na Creamline Cool Smashers ni Alyssa Valdez laban sa mas pinalakas na PetroGazz Angels ni Stephanie Mercado na kasangga na sina Jeanette Panaga at Cai Nepomuceno-Baloaloa.
 
Tulad ng PacificTown-Army, baguhan din sa PVL ang Motolite ng dating PVL MVP na si Myla Pablo na may mga bagong kakampi kabilang sina Isa Molde at Tots Carlos ng UP Lady Maroons. Hindi rin papahuli ngayong taon ang BanKo Perlas Spikers, na susubok uling lumaban para sa titulo sa likod nina Nicole Tiamzon at Dzi Gervacio. Ipaparada rin nila ang kanilang reinforcement na sina Lakia Bright ng Amerika at Yasemin Sahin Yildirim ng Turkey.
 
Magsisilbi namang import ng Creamline si Kuttika Kaewpin ng Thailand at Aleoscar Blanco ng Venezuela habang sina Danijela Dzakovic ng Montenegro at Alexandra Vajdova ng Slovakia ang tutulong sa BaliPure. Sasandalan naman ng Motolite sina Gyselle Silva ng Cuba at Edina Selimovic ng Bosnia at Herzegovina, aasahan ng PetroGazz sina Wilma Salas ng Cuba at Janisa Johnson ng US, at ang pares nina Olena Lymareva-Flink and Jenelle Jordan naman ang magpapalakas sa PacificTown-Army.
 
Huwag palampasin ang muling pagbubukas ng PVL 2019 Reinforced Conference ngayong Linggo (Mayo 26) ng LIVE sa S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, at iWant Sports simula 2 pm sa pag-larga ng PacificTown-Army kontra BaliPure na susundan naman ng Creamline laban PetroGazz ng 4 pm.
 
Para sa karagdagang impormasyon at mga kwento tungkol sa PVL, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.