Magbibigay inspirasyon ang kwento ng mapagmahal at huwarang guro na naging biktima ng human trafficking at buong tapang na lumaban para sa pamilya sa “MMK” ngayong Sabado (June 1).
Respetadong guro si Nena (Irma Adlawan) sa kanilang lugar dahil sa kanyang dedikasyon sa pagtuturo sa loob ng 32 taon. Dahil sa edad, nagpasya siyang magretiro na at magtayo na lamang ng negosyo para magkaroon siya ng oras sa pamilya.
Sa pag-aakalang aayos ang buhay sa negosyo, nawala sa isang iglap ang lahat ng pinaghirapan ni Nena nang itakbo ng business partner niya halos lahat ng natitira niyang pera. Ngunit hindi siya agad nawalan ng pag-asa dahil nakahanap siya ng trabaho sa US bilang caregiver na inaasahan niyang mag-aahon sa kanila sa hirap.
Pero naging malupit ang tadhana kay Nena dahil isang human trafficker pala ang nagbigay sa kanya ng trabaho at nagpasok sa kanya bilang kasamabay ng isang mapang-abusong pamilya na kapwa niya Pilipino. Paulit-ulit siyang sinasaktan, hindi pinapasweldo nang tama, at pinapatulog pa sa tabi ng mga aso ng kanyang mga amo.
Ngunit isang batang Amerikano ang makikilala ni Nena na inaasahan niyang magiging susi sa paglaya niya mula sa paghihirap na kanyang nararanasan.
Paano nga ba makakalaya si Nena sa buhay na kanyang kinakasadlakan?
Kasama rin sa episode sina Agot Isidro, Soliman Cruz, Ana Luna, Alexa Ilacad, Suzette Ranillo, Racquel Monteza, Sonjia Calit, Junjun Quintana, Ivan Padilla, Markki Stroem, Patty Mendoza, Luz Fernandez, Jason Dewey, at Joyce Ann Burton. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel C. Naval.
Huwag kalimutang panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o magpunta sa
www.abs-cbn.com/newsroom.