Plays taho vendor loved by students and teachers in U.P.
Sa pagganap niyang kinagigiliwang taho vendor ng mga taga-U.P.
Hindi magiging balakid ang kahirapan at sakit para harapin ni Dong Corpuz, isang taho vendor na gagampanan ni Empoy Marquez, ang mga matinding pagsubok sa buhay, ngayong Sabado (Mayo 4) sa “MMK.”
Sa kabila ng pagiging mahirap sa buhay at kakulangan sa edukasyon, masikap na naghahahanap-buhay si Dong. Naging taho vendor ito sa U.P., kung saan, siya’y kinagiliwan ng mga estudyante at propesor dahil sa kanyang pagiging palatawa, kengkoy, at mabait.
Bigo sa isang 10-taong relasyon ang 44-taong gulang na si Dong, ngunit makakarelasyon nito ang 22-taong gulang na si Catherine (Jennica Garcia). Pagmumulan ng pangungutya ang kanilang “May-December” na relasyon at magiging sanhi ng gulo sa kanilang mga pamilya. Ipaglalaban ni Dong ang pagsasama nila at ituturing na sarili ang anak ni Catherine sa naunang relasyon. Mapaptunayan ni Dong ang sarili sa pamilya ni Catherine at magiging boto at kampante na din sila dito.
Nang makakita ng pagkakataon si Catherine na makatulong sa pamilya at magdesisyong magtrabaho sa Bahrain, hindi ito sasang-ayunan ni Dong at magiging bugnutin at sakitin nang mawalay sa asawa.
Tuluyang manghihina si Dong at mapagaalaman na may sakit sa baga. Sa kabila nito, gusto pa rin ni Dong na mapag-aral ang mga anak dahil nais nilang mag-asawa na matapos ng mga anak ang edukasyong hindi nila natamasang mag-asawa. Maiisip ng panganay nilang anak na si Aurain (Heaven Peralejo) na kumbinsihin ang amang huwag na munang mag-aral para sa pamilya. Makakatulong ito pansamantala hanggang sa mabuntis.
Sa kabila ng mga pagsubok ng kanila pamilya, mananatili ang masayang disposisyon sa buhay at pagiging positibo ng kengkoy na si Dong para matulungan ang pamilyang maging matatag. Makakaipon din siya ng pangpa-aral sa mga anak. Kahit na magkalayo sina Dong at Catherine, patuloy ang kanilang walang-sawang pag-asa para sa kinabukasan ng pamilya.
Kasama sa episode na ito sina Alyssa Muhlach, Brenna Garcia, Yesha Camille, at Karen Toyoshima. Idinirehe ito ni Paco Sta. Maria at isinulat ni Joan Habana.
Huwag kalimutang panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o magpunta sa
www.abs-cbn.com/newsroom.