Streaming service iWant has been changing the landscape of Filipino entertainment and digital content.
Noong Nobyembre 2018, pinalagablab nina Angel Aquino at Tony Labrusca ang internet matapos i-release ang trailer ng original digital movie nilang “Glorious” na tumabo ng higit sa anim na milyong views sa loob lamang ng isang araw. Kasing init ang pagtanggap at reaksyon ng mga Pinoy sa pelikula nang ipalabas na ito sa streaming service na iWant.
Matapos ang “Glorious” fever, unti-unti nang binago ng iWant ang Filipino entertainment landscape sa larangan ng pagpoprodus ng digital content dahil parami nang parami ang content creators at mga direktor na kinuha nito upang lumikha ng original digital films at series na patok sa panlasa ng Pinoy.
Palaban din ang inilabas ng iWant noong Marso, ang socio-political drama series na “Bagman,” na umani ng mga papuri para sa pagganap ni Arjo Atayde bilang isang simpleng barberong naging tauhan ng isang gobernardor ngunit piniling manatili sa magulo at madilim na mundo ng pulitika.
Patuloy naman sa pagre-release ng libreng original titles ang naturang streaming service na magugustuhan ng mga Pinoy, kabilang na ang “Jhon en Martian,” tungkol sa love story ng isang alien at isang tao, ang teen-fantasy series na “Spirits Reawaken,” tungkol sa anim na teenagers na sasabak sa isang misyong protektahan ang buong mundo, pati na ang live variety show na “iWant ASAP” tampok ang pinakamaningning na artists sa bansa.
Mas mapaparami rin ang dahilang mag-download ng iWant app dahil ngayong Mayo mapapanood dito ang bagong original romance-drama series na “Past Present Perfect” na pagbibidahan nina Shaina Magdayao at Loisa Andalio, pati na ang exclusive original series mula Dreamscape Digital na “Sino Ang Maysala?: Mea Culpa.”
Ngayong taon naman, dapat ding abangan ang iba’t ibang iWant Originals, kabilang na ang “Ang Babae sa Septic Tank 3” tampok ang pagbabalik ni Eugene Domingo, “Mga Batang Poz” na isasalaysay ang karanasan ng mga kabataang may human immunodeficiency virus (HIV), sexy comedy na “Don't Call Me Tita,” “Kargo,” “She's Into Her,” at “Taiwan You Love.”
Kagaya ng original titles ng iWant, libre ring maa-access dito ang pinakamalaking kolesyon ng blockbuster Pinoy movies gaya ng "Barcelona: A Love Untold," “My Ex and Whys,” “One More Chance,” “Kita Kita,” "No Other Woman," “Sukob," at iba pa.
Abot-kamay na rin ng Pinoy sports fans ang mga inaabangan nilang laro at atleta sa iWant Sports section, kung saan maaaring mapanood nang live ang mga laban at highlights ng mga laro ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), National Collegiate Athletic Association (NCAA), Premier Volleyball League (PVL), Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), ASEAN Basketball League (ABL), Alab Pilipinas, Pinoy Pride, boxing events, at national tournaments.
Hindi naman mapag-iiwanan ang solid Kapamilya fans dahil sa iWant, mapapanood din nang libre ang mga paboritong ABS-CBN teleseryes na kasalukuyang umeere, pati na ang mga lumang show na minahal ng mga Pinoy, kagaya ng 90s teen drama series na “Tabing Ilog” at ang phenomenal hit na “Be Careful With My Heart.”
Mas maraming manonood na rin ang makakapag-enjoy sa latest offerings ng iWant sa kani-kanilang tahanan dahil maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay. Mas madali namang mapapanood ng Pinoy mobile subscribers ang paborito nilang TV shows, movies, at live events sa iWant sa pamamagitan ng mga murang promo na hatid ng Smart Communications at Globe Telecom sa kani-kanilang users.
Kaya naman mapa-pelikula man o teleserye, sports, o original series at movies na hindi makikita sa iba, basta gusto ng Pinoy, nasa iWant ‘yan.