News Releases

English | Tagalog

“Pinakamatandang" Kapamilya fan, sinorpresa ng Kapamilya stars

May 08, 2019 AT 03 : 16 PM

Witness the heartwarming stories of Mama Nene and Elsa in ABS-CBN’s special tribute videos for “Mother’s Day” this Thursday (May 9) and Friday (May 10) on ABS-CBN after “TV Patrol” and online on the ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

ABS-CBN, may tribute sa mga ina ngayong Mother’s Day

Sa edad na 101 taon, masigasig na tagasubaybay pa rin ng mga programa ng ABS-CBN si Panfila Pingul o Mama Nene ng San Fernando, Pampanga.

Nakatutok siya sa Kapamilya network mula “Umagang Kay Ganda” hanggang “It’s Showtime,” “Kadenang Ginto,” at “Ang Probinsyano,” bago siya matulog. Hilig din niyang manonood ng mga lumang palabas sa CineMo at Jeepney TV, at mga pelikula ng Star Cinema films san CinemaOne.

Kaya naman lubos ang tuwa niya sa pagdating nina Beauty Gonzalez, Dimples Romana, Francine Diaz, at Andrea Brillantes mula sa pang-hapong teleserye na “Kadenang Ginto” sa kanyang tahanan para makasama siya at ang kanyang pamilya sa pagdiriwang ng Mother’s Day.

Mapapanood ang kanilang kwela at makabagbag-damdaming pagtatagpo ngayong Biyernes (Mayo 10) sa pagpapalabas muli ng ABS-CBN ng tribute video kaugnay ng ika-65 na anibersaryo nito pagkatapos ng “TV Patrol.” Makikita rin ang video sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. 

Pero bago iyan, masasaksihan naman sa Huwebes (Mayo 9), ang kwento ni Elsa, isang ina na maski nabubulag na ay patuloy sa pagpupursige para sa kanyang anak na may espesyal na pangangailangan.

Una silang nakilala sa programang “Mission Possible,” kung saan ipinakita nila kung paano nila na lalagpasan ang mga pagsubok sa pamamagitan ng pagmamahal at pag-aaruga nila sa isa’t isa. Si Elsa ang nagsisilbing boses ni Sarah, samantalang si Sarah ang gumaganap na mata ng kanyang ina. Mula nang lumabas sila sa programa ay bumuhos ang suporta ng mga tao sa kanilang pamilya.

Abangan ang kwento nina Mama Nene at Elsa sa espesyal na tribute videos ng ABS-CBN para sa “Mother’s Day” sa Huwebes (Mayo 9) at Biyernes (Mayo 10) sa ABS-CBN pagkatapos ng “TV Patrol” at sa online sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa abscbnpr.com.