News Releases

English | Tagalog

"Halik," "Pangako Sa'Yo" napapanood na sa Tanzania, Dominican Republic

May 09, 2019 AT 04 : 22 PM

ABS-CBN’s popular and well-loved teleseryes “Halik” and “Pangako Sa’Yo” are now making waves abroad after the Kapamilya network secured deals with media networks in Tanzania and Dominican Republic to air the top-rating programs in their respective countries.

Patuloy na tinatangkilik ang Kapamilya teleseryes na “Halik” at “Pangako Sa’Yo” abroad dahil umeere na ang dalawa sa pinakapinanood na teleserye ng ABS-CBN sa Tanzania at Dominican Republic.

Umeere ang katatapos lang na top-rating serye na “Halik” sa Tanzania simula noong Pebrero matapos magkaroon ng deal ang ABS-CBN at ang African multimedia company na Azam Media.

Samantala, ang 2015 remake naman ng “Pangako Sa’Yo” na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay ang unang Philippine TV drama na napapanood sa Dominican Republic simula noong Marso sa Color Vision Canal 9.

Dahil sa pamamayagpag ng dalawang telerseye abroad, patuloy na lumalawak ang naabot na mga bansa ng ABS-CBN, na nakapagtala na ng 40,000 hours of content na naibenta worldwide.

Maraming fans ang nabihag ng dalawang Kapamilya teleserye dahil sa kapanapanabik nitong kwento.

Naging mainit ang suporta sa “Halik” hanggang sa matapos ito noong Abril. Nakapagtala ang programa ng average audience share na 25% noong nakaraang buwan at naging trending ang finale episode nito.

Samantala, hawak pa rin ng “Pangako Sa’Yo” ang titulo bilang Philippine drama series na napanood sa 16 na bansa. Ito rin ang natatanging internationally adapted Filipino drama na may format buys sa Asia at Latin America.