News Releases

English | Tagalog

Bagong reality show para sa Asian drama fans, ilulunsad sa Asianovela Channel

May 09, 2019 AT 12 : 43 PM

Relive Asian drama hits “Hwarang,” "The Good Wife," and more

Balikan rin ang “Hwarang, ” "The Good Wife" at marami pa
 
May pagkakataon nang mamuhay bilang Asianovela star ang mga ‘ACnatics’ o fans ng Asianovela Channel sa paglulunsad ngayong Mayo ng “Faney Avenue,” ang kauna-unahang daily lifestyle-reality show para sa kanila.

Tampok sa show na eere mula Lunes hagnggang Biyernes ang aktres at  komedyanteng si Alora Sasam bilang host. Dito mararanasan ng mga maswerteng ‘ACnatic’ ang magdamit, mag-make-up, kumain ng samu’t-saring pagkain na kanilang kinagiliwan sa kanilang paboritong Asianovela series.

Bawa’t araw, may kakaibang fun experience para sa fans: kanilang mababalikan ang paboritong lokasyon ng mga eksena sa Asian series sa ating sariling mga tanawin tuwing Lunes; may chance naman lumikha ng symbolic items mula sa iba’t ibang Asian Series tuwing Martes; makapagbibihis naman sila tulad ng knailang favorite drama idol tuwing Miyerkules; pwede naman maging trending celebrity tuwing Huwebes; at ma-eenjoy nila ang iba’t ibang pagkain mula sa pinakamamahal nilang Asian drama.

Samantala, dapat namang abangan ng viewers ang isa pang bagong programang puno ng plot twists, ang nakakaantig na Asian remake ng “The Good Wife,”  na unang ipapalabas sa Philippine TV via Asianovela Channel.

Ito ay tungkol sa dramang umiikot sa buhay ng isang abogado at ang asawa nitong nasangkot sa isang eskandalo sa pulitika. Ipapalabas ito mula Lunes hanggang Biyernes simula Mayo 20 (7:00 AM), mayroon din itong replay tuwing hapon (12:00 PM), at sa Mayo 25 (11:00 PM).
 
Mapapanood namang muli ang mga Asianovela hit tulad ng marubdob na pagsasabuhay ng South Korean historical drama na “Hwarang” (Lunes hanggang Biyernes simula Mayo 27 ng 5:00 AM, na may replays sa Hunyo 1 at 2 ng 7:00 AM) at ang makulit na romcom na “I Am Not A Robot,” (Lunes hanggang Biyernes simula Mayo 27 ng 10:00 AM, at 3:00 PM, at may replays sa Mayo 25 at 26 ng 11:00 AM).
   
Patuloy ding nasusubaybayan sa Asianovela Channel ng ABS-CBN TVplus katulad ng romcom na “Mr. Hurt,” ang misteryoso at komplikadong kwento ng “My Dearest Intruder,” ang pagkilala ng isang babae sa kanyang sarili sa “Twenty Again,” ang Jackie Chan headliner na ”Twinkle, Twinkle, Lucky Stars,” Thai action hit na “Iron Ladies 2,” ang kakaibang Chinese na pelikulang, “Never Say Die,” ang fantasy romcom na “Wonderful Nightmare,” ang historical na dramang “China’s Last Eunuch” ang crime-thriller na “Overheard 3,” at ang horror sequel na “Sadako 2” para sa buong buwan ng Mayo.
 
Tumutok lang sa Asianovela Channel, ang ultimate fanbayan on free TV, para mapanood ang “Faney Avenue” at marami pang palabas. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang Asianovela Channel sa Facebook (fb.com/AsianovelaChannel). Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.