Limang bagong koponan, sasabak sa MPBL…
Magsisimula na ang mainit na aksyon sa loob ng hardcourt sa pagbubukas ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa ABS-CBN S+A ngayong Araw ng Kalayaan (Hunyo 12) LIVE mula Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City.
Pagkatapos ng opening ceremonies ng 4:30pm, isang matinding double-header ang kanilang handog para sa bagong season kung saan maglalaban ang Basilan Steel at baguhang Bicol Volcanoes ng 6 pm, na susundan naman ng Davao Occidental Tigers kontra Zamboanga Family’s Brand Sardines ng 8 pm.
Kasalukuyang aabot sa 31 na koponan ang kabilang sa MPBL Lakan Cup kasama ang mga bagong kasali na Nueva Ecija, Bicol, at Mindoro mula Luzon, Iloilo sa Visayas, at Sarangani mula Mindanao. Hindi muna sasali ang Mandaluyong El-Tigre ngayong taon.
Nasaksihan sa nakalipas na mga taon ang pag-angat ng tinaguriang “Liga Ng Bawat Pilipino,” na ibinibida ang iba-ibang lugar sa Pilipinas at binibigyan ng pagkakataon ang mga bagong talento sa basketball. Laging dinadagsa ang mga laro nito dahil sa mga nais suportahan ang kanilang mga pambato.
Minamahal din ng mga atleta ang mismong liga dahil sa fans nito at pagkakataong makapaglaro ng sport na kanilang mahal. “Iba yung mag-represent ka ng sarili mong kinalakihan, or siyudad, parang ito sa Bacoor, kung saan ako isang homegrown na manlalaro. Mas may bigat yung bawat tapak namin sa court para sa fans na walng pagod mag-cheer sa amin,” bahagi ni Datu Cup MVP Gab Banal ng Bacoor Strikers.
Para kay Arvin Tolentino, na kakagraduate lamang bilang miyembro ng Far Eastern University Tamaraws at napipintong maglaro para sa Batangas Athletics, magiging hakbang ang pagsali sa MPBL upang lalo pang maging pulido ang kanyang laro. “Tinitignan koi tong MPBL bilang pagkakataon na mapahusay pa yung sarili ko at makalaro yung mga dating pinapanood ko lang sa TV, o kaya naman nakalaban na, tulad ni Alvin Pasaol,” sabi niya sa isang interview.
“Yung MPBL, dito mo makikita kung sino talaga yung may kaya maglaro at karapat-dapat na mapanood yung mga talent, kumbaga, dito mo makikita kung kaya mo makipagsabayan sa mga magagaling,” bahagi naman ng Cebuano star at showman na si Eloy Poligrates.
Ipapalabas ang MPBL Lakan Cup sa S+A at S+A HD araw-araw mula Lunes hanggang Sabado. Matutunghaya din ito tuwing Martes, Huwebes, Biyernes, at Sabado ng 6 pm sa LIGA at LIGA HD sa cable simula Hunyo 18. Mapapanood ang lahat ng laro sa iWant at TFC Online (
www.tfc.tv) sa pamamagitan ng livestream at video on demand.
Huwag palampasin ang opening day ng MPBL Lakan Cup kung saan matutunghayan ang banggaan ng Basilan Steel at Bicol Volcanoes ng 6 pm at susundan naman ng Davao Occidental Tigers kontra Zamboanga Family’s Sardines ng 8 pm LIVE mula sa MOA Arena.
Para sa mga balita sa MPBL, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa
sports.abs-cbn.com. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa
abscbnpr.com.