Hit Filipino movies from ABS-CBN will soon make its way to China for the first time via Phoenix Movie Channel, after the network successfully inked a milestone deal with Phoenix Satellite Television, a leading entertainment group that aims to provide Chinese everywhere with high quality content.
Kabilang ang “Barcelona,” “My Ex and Whys…”
Isa na namang milestone ang nakamit ng ABS-CBN dahil mapapanood na sa Phoenix Movie Channel ng China sa unang pagkakataon ang 16 na hit movies ng Kapamilya network, kabilang na ang 2016 box office hit na “Barcelona: A Love Untold,” na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo simula ngayong Setyembre.
Dahil sa matumpay na deal ng ABS-CBN at Phoenix Satellite Television, isang nangungunang entertainment group sa China, matutunghayan na ng viewers sa China ang mga sikat na dramas at rom-coms kabilang na ang“Four Sisters and a Wedding,” “My Ex and Whys,” “You’re My Boss,” “Everything About Her,” at “Can’t Help Falling In Love.”
Dadalhin din ng Phoenix sa China ang rom-coms ng ABS-CBN na nagmarka sa Pinoy pop culture tulad ng “Love You To The Stars and Back,” “Dear Other Self,” “My Perfect You,” “To Love Some Buddy,” “Can We Still Be Friends,” “Always Be My Maybe,” “The Achy Breaky Hearts,” at “First Love.”
Pasok din sa listahan ng mga pelikulang ipapadala sa China ang restored Filipino classic na "Hihintayin Kita sa Langit” at ang romantic-drama na "Kasal."
Para sa karagdagang balita, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang
www.abscbnpr.com.