Over 250,000 students in far-flung areas untouched by advances in media technology nationwide now have access to the curriculum-based learning materials of Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI), with its partnership with SKYdirect, SKY’s direct-to-home satellite TV service.
Mahigit sa 250,000 na mga mag-aaral sa malalayong parte ng bansa ang nagagabayan ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI), sa pagsasanib pwersa nito sa SKYdirect, ang direct-to-home satellite TV service ng SKY sa paghahatid ng “multimedia curriculum-based” na edukasyon.
Gamit ng SKYdirect ang satellite television technology, kaya hindi na kinakailangan ng mga komplikadong aparato para maiparating ang serbisyong edukasyon ng Knowledge Channel. Mas pinatatag naman ng KCFI ang pagbibigay ng edukasyon gamit ang “multimedia learning resources” hatid ng SKY. Nagiging madali ang pagtuturo ng mga guro sa pamamagitan ng mga umeereng mga programa ng KCFI sa Knowledge Channel na mas naiintindihan ng mga mag-aaral.
“Sa pamamagitan ng aming pakikipag-partner sa KCFI, mas naipaparating sa kabataang Pilipino ang mga kwento ng pag-asa," saad ni SKY Corporation president and chief operating officer Antonio Ventosa.
Ang dating Sky Foundation Inc. noong 1999, ang KCFI ay ang unang gumamit ng telebisyon para palaganapin ang edukasyon sa bansa. Noong 2016, sa pamamagitan naman ng SKYdirect Gift of Knowledge kits, mas maraming batang mag-aaral na nakatira sa sa Batanes, Palawan, Negros Oriental, at Compostela Valley ang nabigyan ng edukasyon.
“Dahil sa mga SKYdirect sa iba’t-ibang dako ng bansa, nagkaroon ng kakampi ang KCFI na maabot ang iba’t-ibang klase ng mag-aaral sa buong bansa,” ayon kay Rina Lopez-Bautista, co-founder, president, at executive director ng Knowledge Channel Foundation Inc.
Araw-araw, mas marami ang natutulungan ng SKYdirect, lalo na ang mga naka-enrol sa pinakamalalayong parte ng Pilipinas, mga day-care centers, Alternative Learning System (ALS), at mga pampublikong lugar na SKYdirect ang ginagamit makanood lang ng Knowledge Channel,” dagdag pa ni Lopez-Bautista.
Sa nakalipas na sampung taon, napatunayan na ng Knowledge Channel ang pagtaas ng iskor ng mga mag-aaral sa Valugan Elementary School, Basco Central Elementary School at Basco Science High School sa National Achievement Test sa tulong ng panonood ng Knowledge Channel.
“Dahil nakitang mas gumaling ang mga batang mag-aaral dahil sa programa ng Knowledge Channel, patuloy naming susuportahan ito,” ayon pa kay Ventosa.
Plano ng SKY na mag-donate pa ng mas maraming SKYdirect kits sa mga paaralan sa buong bansa.
Simula noong 1999, ang Knowledge Channel Foundation, Inc. ang natatanging non-profit na organisasyon sa Pilipinas na nagbibigay ng curriculum-based, “multimedia educational resources” at propesyonal na training ng mga guro.
Sa nakalipas na 16 na taon, nakilala ito sa paghahatid ng edukasyon sa mas masaya at malikhaing paraan sa kabataang Pilipino. Dahil sa SKYdirect, mas marami ang magkakaroon ng mas mataas na antas ng edukasyon. Ang SKY Cable Corporation ay bahagi ng nangungunang media at entertainment na organisasyon ng ABS-CBN Corporation.