Bibigyang pugay ng “MMK” ang mga huwarang ama ngayong Sabado (Hunyo 15) sa pagbida ni Zanjoe Marudo bilang isang gurong nagtiyagang magturo sa mga batang nangangarap gamit ang isang balsa, sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng ika-28 anibersaryo ng programa.
Lumaki sa hirap si Ryan (Zanjoe Marudo) at iginapang nila ng kanyang ama ang kanyang pag-aaral. Dahil sa pagsisikap, naging public school teacher siya at nangakong tutulong iahon sa hirap ang mga bata sa kanilang komunidad gamit ang edukasyon.
Isa sa malaking problema sa lugar nila ang layo ng paaralan at ilog na pumapagitna sa bayan. Ito ang nagtulak kay Ryan na bumuo ng isang balsa na tinawag ni yang “Balsa Basa,” kung saan maaaring makapag-aral ang mga bata sa komunidad nila at siya ang guro.
Ngunit hindi naging madali kay Ryan ito dahil marami ang kumontra dito, kasama na ang ilang magulang na nag-alala sa kaligtasan ng kanilang mga anak. Maging ang ama niyang si Ramon, hindi rin sang-ayon sa pagkakawanggawa ng anak.
Mas malaking unos naman ang hinarap ng guro nang hindi inaasahang abutan ng bagyo sa gitna ng ilog sakay ng balsa, at malagay sa peligro ang buhay niya at ng mga batang nakasakay. Lalo itong nagpatibay sa sigaw ng mga taong itigil niya na ang ginagawa at huwag na lang pakialaman pa ang kanilang lugar.
Paano nga ba ipaglalaban ni Ryan ang kanyang layunin?
Huwag kalimutang panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o magpunta sa
www.abs-cbn.com/newsroom.