News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, pinuri sa maayos na pamamalakad ng kumpanya

June 19, 2019 AT 09 : 25 AM

ABS-CBN showed once again why it is among the top organizations in the Philippines after being the only media network awarded by the Institute of Corporate Directors (ICD) for outstanding corporate governance.  

Tanging media network na pinarangalan ng ICD
Pinatunayan muli ng ABS-CBN kung bakit isa ito sa hinahangaang korporasyon sa bansa matapos maging natatanging media network na pinarangalan ng Institute of Corporate Directors (ICD) para sa mahusay na pamamalakad sa kumpanya.
 
Tinanggap ni ABS-CBN chief financial officer Aldrin Cerrado ang tropeo para sa Kapamilya network sa ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Recognition Ceremony, kung saan kinikilala ang mga kumpanyang maayos ang pagpapatakbo at sumusunod sa mga regulasyon ng gobyerno.
 
Ani Cerrado, mahalaga ang corporate governance para manatiling matibay at nangunguna sa industriya ang 65-taon gulang na kumpanya.
 
“Mahalaga na maipakita natin sa ating mga stakeholder at investor na tama ang pamamahala sa organisasyon para patuloy nila tayong suportahan, at patuloy din nating magampanan ang misyon nitong maglingkod sa mga Pilipino,” aniya.
 
Dagdag niya, sinusunod ng ABS-CBN ang pamantayan ng ICD, na may layuning itaas ang kalidad ng polisiya sa corporate governance sa bansa na papantay sa mundo. Pinag-aaralan nito ang mga gawain ng mga kumpanya tulad ng ABS-CBN at ginagawaran ang mga organisasyon na magaling at kahanga-hanga ang pamamalakad.

Bukod sa ABS-CBN, ginawaran din ng ICD ng parangal ang iba pang kumpanya ng Lopez Group tulad ng Lopez Holdings Corporation and First Gen Corporation.

Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, ant Instagram o bumisita sa www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE