KCFI displays interns' animation projects for "Basa Bilang"
Maraming mag-aaral mula sa pampublikong paaralan ang makikinabang sa makabagong learning materials na gawa ng multimedia arts students na sumailalim sa internship program ng Knowledge Channel Foundation Inc.
“Malaki ang naibahagi ng ating mga intern sa pagpukaw sa kaisipan ng kabataang Pilipino na nais matulungan ng Knowledge Channel sa pamamagitan ng edukasyon. Malaki ang naitulong nila sa pag-animate ng mga video para sa bagong proyekto na "Basa Bilang", pag-develop ng software ng Knowledge TV, at paggawa ng “marketing materials” na umaagapay sa edukasyon ng mga Pilipinong mag-aaral at guro. Malaki ang pasasalamat namin sa malaking epekto ng nagagawa nila para sa Foundation, na hindi lang mismo ang mga obrang natapos nila ang nakakatulong sa edukasyon sa bansa,” sinabi ng Knowledge Channel president at executive director Rina Lopez-Bautista.
Karamihan sa 168 na mga interns, kasama ng mga animation developers ang nag-animate ng mga kuwento mula sa textbooks ng Department of Education at mga kwentong pambata na ipapalabas sa Knowledge Channel, mapapanood online sa
www.knowledgechannel.org, at ma-aaccess sa Knowledge Channel Portable Media Library. Nakitulong ‘din ang mga intern sa pagkausap at pakikitungo sa mga komunidad sa paaralan at paglikha ng mga “marketing materials” para sa “educational animation videos”.
Ang “Basa Bilang Project” ay proyektong naglalayon na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga Grade 1 hanggang Grade 3 na mag-aaral sa Oracy, Beginning Reading (sa English at Filipino), at Early Numeracy sa pamamagitan ng “animated videos”.
Dahil sa ibang klaseng paglinang ng kaalaman sa edukasyon, madami sa mga interns ang namamalagi sa Knowledge Channel bilang mga volunteer at dahil dito, itinatag ang Channel Volunteer and Internship Program o KCVIP. Kasama na dito ang senior high school immersion component na ni-launch kamakailan.
Layon ng KCFI na gumawa ng mga video para sa primary grade levels na nagsisimulang mag-aral ng reading at math sa sususnod na tatlong taon. Naniniwala ang KCFI na sa pamamagitan ng sapat na paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral na magbasa at magbilang, mas magiging handa sila sa mga hamon sa paaralan at buhay.
Para sa karagdagang impormasyon sa KCFI, bumisita sa
www.knowledgechannel.org o i-follow @kchonline on Twitter and @knowledgechannel on Facebook.