News Releases

English | Tagalog

Loisa at Shaina, ipaglalaban ang pangarap at pag-ibig sa "Past, Present, Perfect?" ng iWant

June 04, 2019 AT 06 : 44 PM

A writer who is facing a major roadblock in her career and life looks to her past to move forward in her present in iWant's “Past, Present, Perfect?"

Paano makakatulong ang sakit ng nakaraan para maka-move on sa buhay?
 
Mapapa-throwback at makaka-relate ang lahat sa kwento ng isang writer na nangarap, umibig, at nasaktan sa bagong original series na “Past, Present, Perfect?” na napapanood na ngayon sa iWant at pinagbibidahan nina Loisa Andalio at Shaina Magdayao.
 
Bilang isang high school student, taglay ni Shantal (Loisa) ang pambihirang talento sa pagsusulat. Mapapansin ito ng kanyang high school professor na si Daniel (Vin Abrenica) na hihikayatin siyang kumuha ng creative writing sa kolehiyo.
 
Dahil sa hilig nilang magbasa, magiging close ang dalawa at mahuhulog ang loob ng dalaga sa kanyang guro. Gamit ang mga salita, lihim na ipapahayag ni Shantal ang pagtingin kay Daniel sa pamamagitan ng mga tula.
 
Ngunit mauuwi sa pagdurusa ang feelings ni Shantal nang tanggihan ito ni Daniel matapos niyang ipagtapat ang nararamdaman sa kanilang graduation ball.
 
Sa kasalukuyan naman, hindi pa natutupad ni Shantal (Shaina) ang pangarap na magsulat ng mga tula at nobela. Para kumita naman ng pera, nagta-translate siya ng text books at nagsusulat ng subtitles para sa porn.
 
Dagdag-pahirap pa sa kanya ang nararanasan niyang writer’s block, kung kaya’t hindi siya makagawa ng karugtong na libro sa nauna niyang romance pocket book.
 
Mahanap pa kaya ni Shantal ang lakas ng loob at tiwala sa sarili upang matupad ang kanyang pangarap? Paano siya matutulungan ng kanyang nakaraan para mabago niya ang kanyang buhay at kinabukasan?
 
Ang “Past, Present, Perfect?” ay idinirek ni Dwein Baltazar, ang screenwriter ng blockbuster movie na “Exes Baggage” at kamakailan ay nanalo ng Best Director at Best Screenplay awards para sa pelikula niyang “Gusto Kita With All My Hypothalamus,” na siya ring pinarangalang Best Picture sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards 2019.
 
Kabilang din sa cast ng romance-drama series sina Awra Briguela, Amy Nobleza, Angelie Sanoy, Elijah Canlas, VJ Mendoza, Alorah Sasam, Eda Nolan, Anthony Falcon, Iana Bernardez, Peewee O'hara, Romnick Sarmenta, at Allan Paule.
 

Nag-trend ang paglabas ng “Past, Present, Perfect?” sa Twitter, at simula noon ay marami na ang pumuri sa cast, nag-recommend, at sinabing naka-relate sila sa kwento ng serye.
 
Pinuri ng Twitter user na si @jkv1995 ang serye at sinabing, "Past, Present, Perfect? from iWant actually is freaking good. You should try and watch the series ‘cuz you’re totally missing out!!! P.S. If we can support foreign series, perhaps this one also.”
 
Samantala, sinabi ni @Lejdhir_Saega, “They say great directing is mostly great casting. I commend ‘Past Present Perfect’ for that. Great character development and great performances from the ensemble. And this is @iamAndalioLoisa's best performance so far. Not saying this as her fan but as a fan of movies in general.”
 
Ayon pa kay @iambatshitcrazy, “Natuwa ako sa Past, Present, Perfect?. Galing ni Loisa, infer. And her squad din. Shaina, who I've never been a fan of, is surprisingly affecting. Maybe it's the story but, I felt her. Watch it. Maganda 'yung story, happy, sad. Plus it has a vibrant cast.”
 
“Bakit ba ako nanood ng Past, Present, Perfect? Akala ko typical love story sya pero hindi eh. Tumagos grabe. Ramdam ko yung struggle ng older Shantal. Andaming questions, doubts, and fears. Kung nakikita kaya ako ng high school version ko, magiging proud kaya siya sakin?” ibinahagi naman ni @GSharrrr.
 
Ayon naman sa Instagram movie critic na si @magandabamovie, “Galing nung pagkakagawa ng series na 'to, pampelikula na ang quality… Mahusay din yung cinematography, cinematic quality, hindi siya yung typical TV series that the camera work is normally lazy, or lacking, with Past Present Perfect you'll appreciate those gorgeous shots… Nakakabilib din ‘yung pagkakatahi ng story, makakarelate dito yung mga tao na dreamers, at mga naka experience na ng unrequited love.”
 
Panoorin ang unang apat na episodes ng “Past, Present, Perfect?” at abangan naman ang karagdagang episodes nito sa iWant at i-download na ang app sa iOS o Android o mag-register sa iwant.ph.