News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, panalo ng tatlong Asia-Pacific Stevie Awards

June 05, 2019 AT 09 : 30 AM

ABS-CBN bagged three honors at the Asia-Pacific Stevie Awards for its innovative digital campaigns, making it the only Philippine TV network to win at this year’s prestigious awards program.

Nasa litrato: ABS-CBN digital media division's accounts management head Darrel Villanueva, ABS-CBN channel 2-entertainment sales head and client investment advisor for Unilever Sheila Balcueva, and Mindshare Philippines exchange partner Richard Montealegre.


Ang ABS-CBN ang nag-iisang TV network sa buong bansa na kinilala sa prestihiyosong Asia-Pacific Stevie Awards, matapos magwagi ng tatlong parangal ang malikhaing digital campaigns nito.
 
Ang taunang Asia-Pacific Stevie Awards ang nag-iisang awards program na kumikilala sa pambihirang achievements ng iba’t ibang negosyo sa buong Asia-Pacific region. Ang Stevie Awards ang itinuturing na nagungunang business awards sa mundo sa 17 taon nitong pagbibigay-parangal sa mga natatanging proyekto at kumpanya mula sa iba’t ibang bansa.
 
Nagwagi ng Gold Stevie Award for Innovation in Entertainment Websites ang microsite ng ABS-CBN na Moonchasers, na inimbitahan ang mga manonood at tagasubaybay online na maging bahagi ng isang secret organization na pinag-aaralan ang mahiwagang mundo ng mga bampira at lobo sa hit Kapamilya teleseryeng “La Luna Sangre.”
 
Isang Silver Stevie Award for Innovation in Social Media Marketing naman ang iginawad sa McDo BonFries campaign na inilunsad ng ABS-CBN kasama ang partner nitong McDonald’s Philippines. Sa pamamagitan nito, napanood nang live at nakapag-cheer ang iba’t ibang UAAP students at fans para sa kanilang pambatong team sa inaabangang UAAP Cheerdance Competition sa pamamagitan ng Twitter, Facebook, at YouTube.
 
Nakatanggap rin ang ABS-CBN ng Silver Stevie Award for Innovation in Content Marketing/Branded Editorial para sa proyekto nitong Unilever Story Studio, na gumawa at naghatid ng iba’t ibang uri ng epektibong online content para sa iba’t ibang produkto ng Unilever.
 
Ang tatlong proyektong ito ay kabilang sa digital initiatives ng ABS-CBN, ang nangungunang media and entertainment company sa bansa, sa patuloy nitong pagpoprodus ng content para sa iba’t ibang digital platforms na papatok sa iba’t-ibang audiences. Patunay lamang ito ng pag-transition ng ABS-CBN bilang isang digital company dahil sa patuloy na paglawak ng online presence nito at pagdami ng digital properties.
 
Kinikilala ng 2019 Asia-Pacific Stevie Awards ang iba’t ibang organisasyon sa Australia, mainland China, Fiji, Hong Kong, India, Indonesia, Japan, Macao, Malaysia, New Zealand, Philippines, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, USA, at Vietnam.
 
Higit sa 900 na nominasyon naman ang natanggap nito mula sa buong Asia-Pacific region na kinilatis ng halos 200 mula sa buong mundo.