News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN News, handa na para sa malawakang “SONA 2019” special coverage

July 18, 2019 AT 02 : 33 PM

President Rodrigo Roa Duterte will deliver his fourth State of the Nation Address (SONA) on Monday (July 22) and Filipinos all over the world can watch, listen, or read about it, together with all the stories surrounding the speech through ABS-CBN News’ comprehensive, multiplatform coverage on ABS-CBN, DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo, ANC, and news.abs-cbn.com.

 
Ikaapat na SONA ni PRRD, mapapanood sa TV, radyo, at online

 
Sa ikaapat na beses, ihahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang estado ng bansa at masusubaybayan ito ng sambayanang Pilipino sa malawakang “SONA 2019” special coverage ng ABS-CBN News sa ABS-CBN, DZMM Radyo Patrol 630, DZMM TeleRadyo, ANC, at news.abs-cbn.com.
 
Mangunguna sa paghatid ng pinakamalaking balita at masusing diskusyon sa mga mahahalagang isyu kaugnay ng State of the Nation Address (SONA) ang mga beterano at premyadong mamamahayag na sina Karen Davila, Julius Babao, Tony Velasquez, Karmina Constantino, Christian Esguerra, Ricky Rosales, Vic Lima, Gerry Baja, at Anthony Taberna.
 
Magsisimula ang special coverage sa ABS-CBN pagkatapos ng “It’s Showtime” kasama si Karen Davila at ang mga news reporter ng Kapamilya network na naka-pwesto sa Batasang Pambansa Complex at iba’t-ibang lugar sa bansa.
 
Masusubaybayan naman sa ANC ang mga balita at update tungkol sa SONA mula umaga, na magtutuloy sa tanghali kasama si Cruz, na susundan ni Yang, hanggang sa pagsipa ng special coverage ng bandang 3 pm kasama si Velasquez at Constantino. Makakasama nila rito sina Department of Interior and Local Government (DILG) undersecretary Jonathan Malaya at si Prof. Randy David, na paguusapan ang mga plano ng Presidente at ang mga isyung lalabas sa SONA. Maghahatid naman ng regular na update mula sa Batasan si Esguerra.
 
Samantala, 12 nn ang simula ng special coverage sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo sa “Headline Pilipinas” kasama sina Babao at Velasquez. Pagkatapos nito ay uupo na sina Rosales at Lima para bantayan ang mga kaganapan bago ang SONA ng 1 pm, bago sumampa sina Baja at Taberna sa hapon sa kasagsagan ng talumpati ng Pangulo. Maghahatid naman ng live updates ang Radyo Patrol reporters na sina Robert Mano, Zandro Ochona, at Joyce Balancio.
 
Maaari ring sundan ng mga netizen ang pangyayari sa SONA 2019 site ng ABS-CBN News (news.abs-cbn.com/sona2019) para sa mga regular na update, special reports, at livestream ng SONA. Mababasa rito ang mga report tungkol sa estado ng mga pinangako ng Pangulo noong nakaraang SONA at mga “SONA-serye” na kwento ng mga mamamayan tungkol sa mga isyu sa reporma. Gagawa rin ng video na nagpapaliwanag sa SONA para sa NXT.  
 
Bilang pinakamalaking news organization sa bansa, patuloy na nangunguna ang ABS-CBN News sa paghahatid ng balita at impormasyon sa mga Pilipino lalo na sa malalaking kaganapan tulad ng SONA. Maliban sa paghahatid ng mensahe ng Pangulo, layunin din ng ABS-CBN News na ipaliwanag sa madla ang mga isyu sa tulong ng mga beterano nitong anchor, mamamahayag, at mga bisitang eksperto.
 
Tutukan ang ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ABS-CBN, ANC, DZMM, at news.abs-cbn.com. Maaari ring manood sa iwant.ph o skyondemand.com.ph. Sundan ang @ABSCBNNews, @ANCalerts, at @DZMMTeleRadyo sa Facebook at Twitter para sa mga balita. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa abs-cbn.com/newsroom.