News Releases

English | Tagalog

Laban ni Pacman sa ABS-CBN, wagi sa ratings!

July 22, 2019 AT 05 : 27 PM

Sen. Manny Pacquiao went home with twin victories last Sunday (July 21) when he clinched the WBA world welterweight division title and his fight became the most watched program during the entire weekend with a national TV rating of 34.8% based on data from Kantar Media, covering both urban and rural areas.

Tinutukan ng buong bansa ang exclusive coverage ng ABS-CBN sa laban ni Sen. Manny Pacquiao kontra Keith Thurman, na humamig ng national TV rating na 34.8%.
 
Kasabay ng tagumpay niya sa pagkuha ng titulo sa WBA welterweight division, nakamit din ng bakbakang Pacquiao vs Thurman ang pinakamataas na rating sa buong bansa, kabilang ang urban at rural areas, nung Sabado at Linggo ayon sa datos mula sa Kantar Media.
 
Hindi nabigo ang “Fighting Senator,” na mayroon nang rekord na 62-7-2 kabilang ang 39 na knockouts, na bigyan ng magandang laban ang kanyang mga tagasuporta na napanood ang sagupaan eksklusibo sa mga plataproma ng ABS-CBN. Maliban sa Channel 2, umere rin ang “Pacquiao vs Thurman” sa S+A, at ipinalabas ng live, walang commercial, at sa high-definition sa SKY Sports PPV. Napakinggan din ang laban sa DZMM Radyo Patrol 630 kasama sina Dyan Castillejo at Quinito Henson.
 
Mas naging espesyal pa ang araw sa paglulunsad ng National Cheer Campaign ng ABS-CBN tampok ang awiting “Isigaw Mo Galing Natin Ito” na kinanta ng 27 Kapamilya artists. Muling mapapanood ang pagpapakita ng galing ng isang Pilipino tulad ni Pacquiao sa buong mundo sa iWant.
 
Para sa iba pang boxing news, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter at bisitahin ang sports.abs-cbn.com. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.