News Releases

English | Tagalog

SONA 2019 coverage sa ABS-CBN, tinutukan sa buong bansa

July 23, 2019 AT 03 : 19 PM

Filipinos tuned in to ABS-CBN for the latest reports, analysis, and airing of President Rodrigo Roa Duterte’s fourth “State of the Nation Address” (SONA) yesterday (July 22), showing their trust for the country’s largest news organization.

Muling ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang tiwala sa ABS-CBN News sa kanilang pagtutok sa ABS-CBN para sundan ang mga balita at mga pangyayari sa ika-apat na “State of the Nation Address” (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte  kahapon (Hulyo 22).

Nakakuha ng national TV rating na 18% ang “SONA 2019: The ABS-CBN Special Coverage” base sa datos mula sa Kantar Media, na sakop ang urban at rural areas sa bansa. Mahigit ito sa nakuhang rating ng mga nakatapat nitong programa, kabilang ang sariling SONA coverage ng GMA7 at TV5, na nagtala lamang ng 10.2% at 1.6%.

Para sa mga pinakaunang balita sa umaga, pinili rin ng mga manonood ang “Umagang Kay Ganda” na may rating na 5.4% kumpara sa 4.4% ng “Unang Hirit.” Pagkatapos naman ng talumpati ng Pangulo, nagtuloy ang paghahatid ng balita mula sa Batasang Pambansa sa “TV Patrol,” na muling nagwagi sa timeslot nito sa national TV rating na 31% kumpara sa 19.9% ng “24 Oras” at 1.2% ng “Aksyon.”

Maliban sa ABS-CBN, nasundan rin ng mamamayan ang SONA 2019 sa ANC, the ABS-CBN News Channel sa cable, DZMM Radyo Patrol 630 sa radyo, DZMM TeleRadyo sa cable at ABS-CBN TVplus, at news.abs-cbn.com, iWant.ph, at mga opisyal na social media accounts ng ABS-CBN News sa online.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bumisita sa abs-cbn.com/newsroom.