News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN muling namayagpag noong Hunyo

July 03, 2019 AT 01 : 18 PM

Viewers nationwide continued to choose ABS-CBN as their source of relevant news and uplifting TV shows as the network recorded an average audience share of 44% or a 12-point lead against GMA’s 32%, according to data from Kantar Media.

Patuloy na sinusubaybayan ng sambayanang Pilipino ang ABS-CBN na naghatid ng makabuluhang balita at magagandang programa matapos makakuha ng average audience share na 44% o 12 puntos na lamang sa 32% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media. 

Sinasalamin ng listahan ng most watched programs noong Hunyo ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa nationwide ratings dahil siyam na Kapamilya programs ang pumasok sa listahan, kung saan nangunguna pa rin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” (37.3%).

Nasa ikalawang pwesto naman ang “The General’s Daughter” (30.8%) na sinundan ng “Search for the Idol Philippines” (28.3%) na nagsimula nang mag-eliminate sa top 12 hopefuls nito. 

Patuloy din ang pagtangkilik ng viewers sa “TV Patrol” (27.75) para sa impormasyon, habang pasok pa rin ang “Maalaala Mo Kaya” (26.8%) sa listahan dahil sa mga kwento nitong naghahatid ng inspirasyon at aral.

Hindi rin bumibitiw ang viewers sa  “Kadenang Ginto” (23.7%) tuwing hapon, habang tinutukan din buong Hunyo ng viewers ang weekend shows na “Hiwaga ng Kambat (22.2%), “Home Sweetie Home Extra Sweet” (21.8%), at “Rated K Handa Na Ba Kayo?” (19.6%).

Samantala, ABS-CBN din ang nanguna sa iba’t-ibang time blocks, partikular na sa primetime, kung saan nagkamit ito ng average audience share na 45%, kumpara sa 33% ng GMA. Ang primetime block ang pinakaimportante parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilpino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Namayagpag din ang Kapamilya network sa morning block (6 AM to 12 NN) sa pagtala nito ng 39%, kumpara sa 28% ng GMA; sa noontime block (12 NN to 3 PM) sa pagrehistro nito ng 44% kontra sa 33% ng GMA; at sa afternoon block (3 PM to 6PM) sa pagkamit nito ng 48% at tinalo ang 31% ng GMA.

Panalo rin sa ratings ang Kapamilya network sa Metro Manila sa pagtala nito ng 42% laban sa 26% ng GMA; sa Mega Manila sa pagrehistro nito ng 36% kontra sa 32% ng GMA; sa Total Luzon kung saan nakakuha ito ng 40% kumpara sa 35% ng GMA; sa Total Visayas kung saan nakaani ito ng 53% laban sa 24% ng GMA, at sa Total Mindanao kung saan nakakuha ang ABS-CBN ng 52% kontra sa 28% ng GMA. 

Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga manonood ng telebisyon sa buong bansa sa paggamit nito ng nationwide panel size na 2,610 na urban at rural homes.