Gretchen Ho will share her unforgettable experience in the city this Sunday (August 4) as “Matanglawin’s” featured “Adventurista” this week.
Gumagawa ng pinakamahal na kape, nakilala ni Kuya Kim
Tuloy-tuloy ang adventure ng Kapamilya host na si Gretchen Ho na lumipad at umikot kamakailan lang sa Seoul, South Korea, isa sa pinakasikat na destinasyon sa Asya para sa mga turista.
Ayon kay Gretchen, magandang puntahan ang Seoul dahil sa makulay na karakter ng lugar at mga tao rito.
“Tingin ko dapat pumunta ‘yung mga Kapamilya natin dito sa Seoul kasi talagang may soul siya. Mapa-arts, food, entertainment, landmarks, tourist spots. Isa ‘yun sa masasabi kong tumatak sa ‘kin,” aniya.
Ibabahagi ni Gretchen ang kanyang hindi makakalimutang karanasan sa siyudad ngayong Linggo (Agosto 4) bilang “Matanglawin Adventurista.”
Samahan ang “Umagang Kay Ganda” anchor sa pagakyat sa N’Seoul Tower sa Namsan Mountain kung saan madadaanan niya pababa ang “love locks” na iniwan ng mga magkasintahang pumasyal doon. Makikipaglaro rin siya sa mga raccoon sa isang café sa Daehangno Steet at nanamnamin ang magandang tanawin sa tuktok ng Lotte Tower, ang ika-limang pinakamataas na istruktura sa mundo.
Hindi lang masarap na kape ang matitikman ng “Tikim Princess” sa “Coffee Capital of South Korea,” na mayroong 8,000 coffee shops, dahil sa C. Through Café, tuturuan din siyang magpinta sa kape!
Si Kuya Kim Atienza naman, bibisitahin at kikilalanin ang isang Asian Palm Civet Cat, na gumagawa ng pinakamahal na kape sa mundo kung saan nagkakahalaga ng P8,000 ang isang baso nito.
Panoorin ang adventures nina Gretchen Ho at Kuya Kim Atienza ngayong Linggo (Agosto 4), 9:45 am sa “Matanglawin” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. I-follow ang @MatanglawinTV sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa
www.abscbnpr.com.