SKY and Knowledge Channel donate “Gift of Knowledge” learning materials
Nang magbalik si Remalyn Nimo para magturo sa Talbak Elementary School sa Bulacan, kung saan una siyang nag-aral, kanyang nakita na may pangangailangang pang-edukasyon ang munting paaralan, mula sa kakaunti nitong mga silid, kawalan ng maayos na kainan, sira-sirang bubungan hanggang mga kagamitang kinakailangan nang palitan. Sa kabila nito, nanumbalik ang pag-asa sa kanya ng mapagkalooban ng mga “curriculum-based learning materials” ang paaralan sa pamamagitan ng SKYdirect, ang direct-to-home satellite TV service ng SKY at ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI).
Pagkatapos ng pag-aaral nito at pagtuturo sa isang pribadong paaralan sa Manila, nagdesisyon si Remalyn na bumalik sa Talbak kung saan una niyang minahal ang edukasyon dahil sa magandang pundasyon niya bilang mag-aaral doon.
“Malaki ang naging impluwensya sa akin ng aking mga guro. Sila ang mga iniidolo ko, kaya nag-aral talaga akong mabuti para makatapos at matulungan naman ang sarili kong mga mag-aaral na maabot ang sarili nilang mga pangarap,” pagbabahagi niya.
Sa tulong ng naipamahaging regalong pang-edukasyon ng SKYdirect at Knowledge Channel sa minamahal na paaralan ni Remalayn, mas magiging mainam at epektibo ang kanyang pagtuturo dahil sa kaakibat na pagpapakita ng mga takdang leksyon sa telebisyon.
“Nakakatuwa na may ganitong klaseng oportunidad na matuto ng husto ang mga kabataan ngayon sa pamamagitan ng mga kaakibat na materyales mula sa Knowledge Channel at SKYdirect. Malaking kaginhawaan sa mga guro at mag-aaral ang mas madali at mas masayang pag-aaral,” dagdag pa ni Remalyn.
Sa handog ng SKYdirect at Knowledge Channel’s sa paaralan, magiging mas madali ang kanyang pagtuturo ng mga leksiyon dahil gamit nito ang telebisyon, at masaya ito para sa mga mag-aaral.
“Mabuti ang kabataan ngayon ay may pagkakataon nang matuto sa pamamagitan ng makabagong media na galling sa Knowledge Channel at SKYdirect. Mas madali nang magturo gamit ang mga ito,” sabi ni Remalyn.
Napatunayan na ang bisa ng “media-based instruction” noon. Isang dekada na ang nakalipas nang kakitaan ng progresibong resulta sa National Achievement Test ang tatlong pampublikong paaralan sa Batanes—ang Valugan Elementary School, Basco Central Elementary School, at Basco Science High School. Nagtamo sila ng iskor na mahigit sa 20%, pagkatapos makapag-aral gamit ang mga materyales galing sa Knowledge Channel na mga “media-based teaching modules.”
Ang mga materyales na pang-edukasyong nilikha ng foundation ay iniere sa Knowledge Channel, at ginagamit ng mga guro para magawang mas epektibo ang pagtuturo ng sa mga kabataang mag-aaral, lalo na sa karamihang mag-aaral na hindi pa nakakapanood ng telebisyon.
Matagal na ang pagsasanib pwersa ng SKYdirect at KCFI. Noong 1999, ang dating Sky Foundation Inc. na ngayon ay KCFI ang nanguna sa pagbibigay ng “educational television” sa bansa para sa mas de kalidad na edukasyon. Nitong 2016 naman, sa pamamagitan ng “SKYdirect Gift of Knowledge” na mga kits, mas maraming nangangailangang bahagi ng bansa ang naserbisyuhan sa pamamagitan ng paghahatid ng edukasyon, partikular na sa mga liblib na lugar, at sa malalayong munisipalidad ng Batanes, Palawan, Negros Oriental, at Compostela Valley.
Sa SKYdirect, gamit ang “satellite television technology,” mas madaling napapanood ang Knowledge Channel na hindi na kinakailangan ang malalaki at mamahaling kagamitan para lang makapanood
Simula pa noong 1999, ang Knowledge Channel Foundation, Inc. ang natatanging non-profit na organisasyon sa Pilipinas na nagbibigay ng “curriculum-based, multimedia educational resources” at propesyonal na training ng mga guro.
Kinikilala ang channel sa pagbibigay ng pangmalawakang koneksyon sa mga pinakabago at masasayang “multimedia” na mga aralin sa nakalipas na 16 na taon. Dahil mapapanood ito sa pamamagitan ng SKYdirect, mas maraming kabataang Pilipinong mag-aaral ang nagkakaroon ng pagkakataong matuto nang maigi. Ang SKY Cable Corporation ay unit ng nagungunang media at entertainment na organisasyon ng ABS-CBN Corporation.