News Releases

English | Tagalog

Mga bida ng "Kadenang Ginto" at "Nang Ngumiti ang Langit," makikisaya sa Kadayawan Festival

August 14, 2019 AT 01 : 58 PM

ABS-CBN Regional puts the spotlight on the Kadayawan Festival and joins Davaoeños in celebrating harvest and thanksgiving by bringing the Kapamilya Karavan to Davao this Sunday (August 18) featuring the stars of hit Kapamilya teleseryes “Kadenang Ginto” and “Nang Ngumiti Ang Langit.”

Kadayawan Festival, mapapanood sa Choose Philippines YouTube at ABS-CBN Davao

 
Maghahatid ng tuwa at saya ang ABS-CBN Regional sa Kadayawan Festival sa pagdating ng Kapamilya Karavan sa Davao City kasama ang mga bida ng “Kadenang Ginto” at “Nang Ngumiti ang Langit” ngayong Linggo (Agosto 18).
 
Makikisaya sina Dimples Romana, Beauty Gonzalez, Richard Yap, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin ng popular na pang-hapon na serye, kasama sina Cristine Reyes, RK Bagatsing, Sophia Reola, at Enzo Pineda ng sikat na daytime series sa RMC Petro Gazz Arena para sa taunang pagdiriwang ng mga Davaoeño upang magpasalamat sa magandang ani at iba pang biyaya.
 
Masusubaybayan ng mga Pinoy sa iba’t ibang lugar sa mundo ang malalaking kaganapan sa Kadayawan sa livestream sa YouTube ng Choose Philippines. Tampok sa Agosto 17 (Sabado) ang  “Indak Indak sa Kadayawan,” isang street dance competition na ipinagdiriwang ang kultura ng Mindanao, at sa Agosto 24 naman ang “Pamulak sa Kadayawan,” isang parada ang mga bulaklak at halaman ng rehiyon. Ipapalabas ang livestream mula 7:30 am hanggang 12 nn sa Choose Philippines YouTube (https://www.youtube.com/user/choosephils) at mapapanood rin sa  ABS-CBN Davao TV 4..
 
Ang Kapamilya Karavan ay programa ng ABS-CBN Regional na nagpapalapit sa Kapamilya stars sa kanilang fans tuwing fiesta at selebrasyon. Ang ABS-CBN Regional ang sangay ng Kapamilya network na gumagawa o umeere ng mga lokal na programa na naghahatid ng impormasyon at tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino sa labas ng Metro Manila. Maliban sa pagbibigay ng importanteng balita at kaalaman, naghahatid rin ito ng serbisyo publiko sa mga Kapamilya sa mga lugar nito.
 
Panoorin ang live coverage ng ABS-CBN Regional ng Kadayawan Festival sa Agosto 17 at Agosto 24 (Sabado) mula 7:30 am hanggang 12 noon sa Choose Philippines YouTube page (youtube.com/user/choosephils) o sa ABS-CBN TV 4 sa Davao. Abangan ang mga video at photo mula sa Kapamilya Karavan kasama ang “Kadenang Ginto” at “Nang Ngumiti ang Langit” stars sa Facebook page ng ABS-CBN Regional (@abscbnregionalofficial,  @abscbnregionalevents). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter, o pumunta sa abscbnpr.com.