News Releases

English | Tagalog

Buong pamilya dinala ng YeY channel sa Japan

August 02, 2019 AT 05 : 51 PM

Maria Glenda Obnimaga and family had the time of their lives as they got the chance to tour Tokyo, Japan after winning the YeY Channel’s “YeY Family Flyaway Sa Japan” promo. Her family was able to go around Tokyo from July 25-28, 2019.   

Masayang nakapunta ng Tokyo, Japan si Maria Glenda Obnimaga kasama ang buong pamilya  sa pamamagitan ng YeY Channel “YeY Family Flyaway Sa Japan” promo. Nakalibot ang mag-anak sa Tokyo, Japan noong Hulyo 25-28, 2019.
 
Masuwerteng nanalo si Maria Glenda Obnimaga sa text promo ng YeY Channel, via an electronically drawn raffle.
 
Sa apat na araw na pagbisita sa Tokyo ng pamilya, nagtungo sila sa Fujiko・F・Fujio Museum sa Kawasaki City, na nagdadala ng saya,  pagkamalikhain at maaliwalas na disposisyon na likas sa mga kabataan.  Naniniwala si Fujiko・F・Fujio sa mga prinsipyo ng “heartwarming feelings” ng mga bata, at ang “intrigue of science fiction” na kasama nito.
 
“Fujiko・F・Fujio” ang “pen name” ni Hiroshi Fujimoto na nagsulat ng mga manga tungkol sa pagkakaibigan, pagkamausisa, malikhain, katapangan, at pag-unawa sa tao. Siya ang gumawa ng comic book at cartoon series na “Doraemon,” na isa sa mga pinakasikat na anime o manga sa Japan.
 
Na-enjoy ng pamilya ni Glenda ang paglilibot sa iba’t-ibang parte ng Fujiko・F・Fujio Museum, katulad ng Kids Space kung saaan nakapaglaro ang anak niyang si Jandion gamit ang mga  wooden gadgets at puzzles, ang People’s Plaza kung saan na-enjoy ng buong pamilya ang “interactive installations,” ang Rooftop Playground, Manga Corner at Piisuke’s Lake kung saan makikita si Pissuke, Nobita at ang iba pang “life-sized figures” nina  Doraemon.
 
Bukod sa pagbisita sa Fujiko・F・Fujio Museum, naglibot ‘din sa ibang tourist spots sa Tokyo ang pamilya. Namasyal ang grupo sa napakagandang Lake Ashi, Mt Fuji,  Asakusa, Imperial Palace at sa Tokyo Skytree observation tower.
 
“Napakagandang experience nito sa pamilya ko. Ito na yata ang pinaka-memorable na pangyayari sa buhay naming mag-anak. Sobrang accommodating ng buong Team YeY na inalagaan kami sa buong trip, mula sa pag-aasikaso sa mga pangangailangan namin, sa pagkain at sa pamamasyal, napakasaya ng bakasyon na ito,” buong sayang pagbabahagi ni Maria Glenda Obnimaga.   
 
Pakiramdam niya, dininig ang kanyang mga dasal ng malaman nitong nanalo siya at makakapunta sa bansang inaasam-asam. “Sa dinami-dami ng sumali, napili ako, at naisama ko pa ang pamilya ko. Napaka-blessed namin sa apat na araw na trip na ito, ang gaan sa pakiramdam na makikita mo yung iniidolo at pinapanood mo ‘lang na cartoon character sa TV dati tapos nasa ibang bansa ka pa kung saan siya unang sumikat,” dagdag pa nito.
 
Hatid ng YeY Channel at Dutch Mill ang kakaibang pagkakataon na ito para kay Glenda at sa buong pamilya niya.    
 
“Never before seen episodes” ng ”Doraemon” ang inere ng YeY Channel sa kauna-unahang pagkakataon sa ABS-CBN TVplus simula noong Mayo 27. Patuloy na panoorin ang “Doraemon” 5PM hanggang 6PM sa YeY Channel ng ABS-CBN TVplus.
 
Ang YeY ay isang free at exclusive na channel sa ABS-CBN TVPlus. Kasama sa ABS-CBN TVPlus signal coverage ang Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Batangas, at Cavite. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang  tvplus.abs-cbn.com at sundan ang ABS-CBN TVplus at YeY sa Facebook. Maaari ring mag-subscribe sa YeY YouTube channel para makapanood ng YeY araw-araw.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o puntahan ang www.abs-cbn.com/newsroom.