News Releases

English | Tagalog

“Kapamilya Love Weekend,” lumarga na upang maghatid ng serbisyo at saya

August 27, 2019 AT 06 : 34 PM

The “Kapamilya Love Weekend” is just one of the many public service activities launched and are being conducted by the company in its more than six decades of being in the service of the Filipino.

Sa pagdiriwang ng ika-65 anibersaryo ng ABS-CBN…
 
Nagsimula nang dumayo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang ABS-CBN para maghatid ng serbisyo at saya sa pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng “Kapamilya Love Weekend.”
 
Bahagi ng pagdiriwang ng ika-65 anibersaryo ng Kapamilya network, isinagawa ang unang “Kapamilya Love Weekend” sa Brgy. Muzon sa Taytay, Rizal noong Agosto 18. Tampok dito ang libreng medical at dental check-up para sa mga Kapamilya, maliban pa sa ibang handog na serbisyo sa tulong ng mga volunteer na doktor at mga katuwang na organisasyon.
 
Nakiisa at nakisaya rin dito ang mga opisyal at empleyado ng ABS-CBN, kabilang ang Kapamilya stars na sina Richard Gutierrez at Christian Bables, na may handang mga palaro at papremyo para sa mga residente ng Brygy. Muzon.
 
Isa lang ang “Kapamilya Love Weekend” sa maraming public service activities na inilunsad at isinasagawa ng kumpanya sa mahigit anim na dekada nitong paglilingkod sa mga Pilipino. Paraan ito upang maipaabot ng Kapamilya network ang pasasalamat nito sa kanilang pagmamahal at suporta sa nakalipas na 65 taon.
 
Iikot ang “Kapamilya Love Weekend” sa iba-ibang barangay sa Luzon, Visayas, at Mindanao simula ngayong Agosto.
 
Para sa balita, sundan ang @ABSCBNNews sa Facebook at Twitter o pumunta sa news.abs-cbn.com o iWant.ph. Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abscbnpr.com