News Releases

English | Tagalog

Kapamilya directors at writers, wagi sa Cinemalaya 2019

August 28, 2019 AT 01 : 35 PM

Malaking tagumpay ang natamasa ng Kapamilya directors at writers na lumahok sa Cinemalaya 2019 matapos humakot ang mga nilikha nilang pelikula na “John Denver Trending”, “Iska”, at “F#*@BOIS” ng ilan sa mga pinakamataas na parangal sa taunang film festival.

Ang “John Denver Trending” na hinirang na Best Feature Film, NETPAC Jury Prize winner, at humakot pa ng sari-saring awards ay isinulat ng ABS-CBN TV production head writer na si Arden Rod Condez at produced ng writer, director, at producer na si Sonny Calvento. Ang writer-director naman na si Eduardo Roy Jr. ang nagkamit ng prestihiyosong Best Director award para sa pelikulang “F#*@BOIS.” Samantala, ang pelikulang “Iska” na binuo ng box-office director na si Ted Boborol at screenwriter na si Mary Rose Colindres naman ang bumuo sa "Iska" na nakakuha ng Best Sound at Best Screenplay awards.

Ayon kay Ruel S. Bayani, ang bagong ABS-CBN Head of Scripted/Narrative Programs, ang pagsali ng creatives ng ABS-CBN sa film festival ay daan upang maibahagi nila ang kanilang husay sa paghahandog ng makabuluhang kwento sa lahat ng manonood.

"Ipinadiriwang namin sa ABS-CBN TV Production ang tagumpay ng bawa’t isa maliit man ito malaki. We congratulate Arden, Sonny, Edong, Rose, and Ted hindi lang sa kanilang award-winning films sa Cinemalaya, pati na rin sa pagbigay inspirasyon sa ibang Kapamilya creatives na paglikha ng mga kwento kahit ano mang genre o platform,” sabi niya.

Sa loob ng higit isang dekada, nilalahokan ng Kapamilya directors, writers, at producers ang taunang Cinemalaya film festival. Sa selebrasyon ng ika-15 na taon nito, umabot na rin ang screenings ng film festival maging sa Visayas at Mindanao.