News Releases

English | Tagalog

“FPJ’s Ang Probinsyano," “Kadenang Ginto,” at “Nang Ngumiti ang Langit,” nakisaya sa Kadayawan at Higalaay Festival

August 29, 2019 AT 08 : 35 PM

Stars from hit ABS-CBN teleseryes “Kadenang Ginto” “Nang Ngumiti ang Langit,” and “FPJ’s Ang Probinsyano” took time from their busy schedules to fly and be with Kapamilyas in Davao and Cagayan De Oro as they give thanks for bountiful harvest and catch, respectively, at the recent Kadayawan Festival and Higalaay Festival.

Tuna Festival, mapapanood sa Choose Philippines YouTube

Naghatid ng tuwa at saya ang ABS-CBN Regional sa mga Davaoeño at mga Kagay-Anon sa pagdating ng Kapamilya Karavan kasama ang mga bida ng “Kadenang Ginto” at “Nang Ngumiti ang Langit” sa Kadayawan Festival, at mga bituin ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Higalaay Festival, kamakailan lang. 
 
Nakumpleto ang araw ng fans ng nangungunang teleserye sa hapon sa pagbisita nina Dimples Romana, Beauty Gonzalez, Richard Yap, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin kasama ang cast ng “Nang Ngumiti Ang Langit” na sina Cristine Reyes, RK Bagatsing, Sophia Reola, at Enzo Pineda sa RMC Petro Gazz Arena sa Davao City.
 
Hindi naman nagpahuli ang mga artista mula sa naghaharing actionserye na “FPJ’s Ang Probinsyano.” Dumagundong ang Limketkai Center sa Cagayan De Oro nang haranahin sila nina Coco Martin at Yassi Pressman at pinakitaan ng galing sa pagsasayaw ni John Prats.
 
Sunod namang dadayuhin ng Kapamilya Karavan ang General Santos City, na magdiriwang ng “Tuna Festival,” na kanilang pasasalamat sa malakas na huli ng kanilang pinakasikat na produkto na tuna. Abangan ang cast ng “The General’s Daughter” na sina Angel Locsin, Paulo Avelino, JC De Vera, Arjo Atayde, Loisa Andalio, and Ronnie Alonte ngayong Sabado (‪Agosto 31) ng 4 pm sa KCC Conventions and Events Center sa General Santos. Mapapanood din ng mga Pilipino sa buong mundo ang pinakamalalaking pangyayari sa Tuna Festival tulad ng Kapamilya Karavan at Tuna Fest Parade sa livestream ng YouTube channel ng Choose Philippines.
 
Ang Kapamilya Karavan ay programa ng ABS-CBN Regional na nagpapalapit sa Kapamilya stars sa kanilang fans tuwing fiesta at selebrasyon. Ang ABS-CBN Regional ang sangay ng Kapamilya network na gumagawa o umeere ng mga lokal na programa na naghahatid ng impormasyon at tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino sa labas ng Metro Manila. Maliban sa pagbibigay ng importanteng balita at kaalaman, naghahatid rin ito ng serbisyo publiko sa mga Kapamilya sa mga lugar nito.
 
Tunghayan ang mga kaganapan sa Tuna Festival sa Sabado (‪August 31) sa Choose Philippines YouTube channel (‪youtube.com/user/choosephils). Abangan ang highlights mula sa Kapamilya Karavan tampok ang cast ng “The General’s Daughter” sa Facebook page ng ABS-CBN Regional (@abscbnregionalofficial, @abscbnregionalevents).
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Instagram, at Twitter, o pumunta sa ‪abscbnpr.com.