News Releases

English | Tagalog

UAAP Season 82, magbubukas na sa Linggo sa ABS-CBN S+A at iWant

August 29, 2019 AT 06 : 23 PM

Handa na ang na University Athletic Association of the Philippines (UAAP), ang primerong liga sa kolehiyo sa bansa, na muling maghatid ng mga larong puno ng aksyon at inspirasyon tampok ang ilan sa pinakamagagaling na kabataang atleta sa bansa sa pagbubukas ng UAAP Season 82 ngayong Linggo (Setyembre 1) LIVE mula sa Mall of Asia Arena sa Pasay City simula 4 pm sa ABS+CBN S+A at online sa iWant at TFC.tv.

Dadalhin ng season host na Ateneo De Manila Unviersity (ADMU) ang mga bigating banda na SpongeCola at Itchyworms upang kantahin ang “Ang Ating Tagumpay” na base sa tema ngayong season na “All For More.” Magtatanghal din ang iba pang mga pambato ng Ateneo tulad ng Blue Babble Battalion Drumline, Speed, at CADS.

Samantala, magsisimula ang bakbakan sa basketball court sa Miyerkules (Setyembre 4) sa unang triple header ng taon na mangyayari tuwing Miyerkules. Unang maghaharap ang University of Sto. Tomas (UST) Growling Tigers at University of the East (UE) Red Warriors ng 10:30 am, kasunod ang laban ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws kontra Season 81 finalists University of the Philippines (UP) Fighting Maroons ng 12:30 pm. Babanggain naman ng Adamson University (AdU) Falcons ang naghahangad ng ikatlong sunod na kampeonato na Ateneo Blue Eagles ng 4 pm. Mapapanood lahat ng laro ng LIVE sa S+A at sa livestreaming gamit ang iWant o sa sports.abs-cbn.com.

Tulad ng temang “All for More,” todo bigay ang ABS-CBN Sports ngayon season at pinalakas pa ang coverage sa pagdagdag kina Martin Javier at dalawang dating Fighting Maroons na sina Mikee Reyes at Jett Manuel sa mga beteranong sina Mico Halili, Marco Benitez, Anton Roxas, Christian Luanzon, at Boom Gonzalez sa broadcast panel.

May limang bagong courtside reporters din ngayong Season 82 na sasamahan ang mga nagbabalik na sina Frannie Reyes (ADMU), Aiyana Perlas (DLSU), at Makyla Chavez (UST) sa pagbibigay ng updates mula sa sidelines at maging sa social media. Sina Rain Matienzo (AdU), Mariz Domingo (FEU), Baileys Acot (NU), Jaime Ascalon (UE), at Yani Mayo (UP) ang mga bagong tagapagbalita sa mga laro at gagawa rin ng vlogs para sa bawat eskwelahan.

Tuloy ang kwentuhang UAAP sa “The Score” sa S+A, samantalang buhay sa labas ng laro ang ipapakita ng mga atleta sa “UPFront.” Bibida naman sa “University Town” ang kasaysayan, kultura, at mga natatanging estudyante at alumni ng walong paaralan sa UAAP.  Sa online naman, ihahatid ng ABS-CBN Sports Digital ang mga post-game interview, live stats, at mga eksklusibong feature sa UAAP sa mga social media account ng ABS-CBN Sports.

Abangan at ma-inspire sa laro at kwento ng mga student-athlete tulad nina Thirdy Ravena, Jerrick Ahanmisi, Aljun Melecio, Wendell Comboy, Dave Ildefonso, Philip Manalang, CJ Cansino, at Juan Gomez-De Liano ngayong UAAP Season 82. Huwag palampasin ang pagbubukas ng UAAP Season 82 ngayong Linggo (Setyembre 1) LIVE mula sa Mall of Asia Arena sa Pasay City simula 4 pm. Mapapanood ang UAAP sa S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, at online sa iWant, TFC.tv, at sports.abs-cbn.com tuwing Miyerkules, Sabado, at Linggo.

Para sa balita sa UAAP, sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.