Ordinary Filipinos who show selfless acts of love for their community were recognized by ABS-CBN in the 15th awarding cycle of ABS-CBN’s Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards, which will air this September 1 on Sunday’s Best.
Kapamilya stars at kilalang mga personalidad, dumalo sa awarding ceremony
Pinarangalan ng ABS-CBN ang mga ordinaryong Pilipino na nagpakita ng malasakit at pagmamahal sa kanilang kapwa sa ika-15 awarding cycle ng Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards na eere sa Kapamilya network ngayong Setyembre 1 sa Sunday’s Best.
Sa paghahanap ng ABS-CBN ng mga bagong mukha ng kabayanihan, may mga nakakamanghang indibidwal silang nahanap hindi lamang sa Pilipinas, kundi pati rin sa ibang bansa. Kabilang na rito ang mga doktor, guro, OFWs, Fil-Ams, at youth advocates.
“Our heroes are not endowed with any superpower, if at all they have any kind of power, it would be their great and deep love for their fellow Filipino, which allows them to transcend severe constraint of resources to find creative ways to serve,” pahayag ni Eugenio “Gabby” Lopez III, ABS-CBN chairman emeritus, tungkol sa mga makabagong bayaning Pilipino.
Samantala, dumalo naman ang ilang Kapamilya stars sa awarding ceremony bilang presenters at performers para ipagdiwang ang kabayanihan at hindi matatawarang serbisyo publiko ng awardees kabilang dito sina Kathryn Bernardo, Kim Atienza, “PBB Otso” big winner Yamyam Gucong, “PBB Otso” alumnus Fumiya Sankai, ang rapper na si Kritiko, Janine Berdin, Regine Velasquez-Alcasid at si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, habang nagsilbing hosts naman sina Gretchen Ho at Ogie Alcasid.
Layunin ng Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards na bigyang dangal ang mga ordinaryong Pilipino na nagpapakita ng kahanga-kahangang serbisyo publiko para sa kanilang kapwa na itinatag ni ‘Kapitan’ Eugenio “Geny” Lopez Jr.
Huwag palampasin ang mga kwento tungkol sa kabayanihan ng iba’t ibang awardees sa Gawad Geny Lopez Jr. Bayaning Pilipino Awards sa ABS-CBN Sunday’s Best pagkatapos ng “Gandang Gabi Vice” ngayong Setyembre 1.