News Releases

English | Tagalog

"Pamilya Ko" magtuturo ng pagmamahal at pagpapatawad sa manonood

August 30, 2019 AT 08 : 10 PM

Pupukaw sa mga manonood ang bagong Kapamilya serye na “Pamilya Ko” na magpapakita sa pagsubok ng hinaharap ng bawat pamilya—mula sa pagtataksil, away-kapatid, at trahedya—at ang mga bagay na magbubuklod sa kanila—pagpapatawad, pagtanggap, at pagmamahal.

Simula ika-9 ng Setyembre, sundan si Chico (JM De Guzman), ang kanyang mga magulang na sina Fernan (Joey Marquez) at Luzviminda (Sylvia Sanchez), at ang kanyang mga kapatid—sina Beri (Kiko Estrada), Apol (Kid Yambao), Persi (Jairus Aquino), Peachy (Maris Racal), Lemon (Kira Balinger), Cherry (Mutya Orquia), at Pongky (Raikko Mateo)—sa kanilang pagharap sa mga problemang susubok sa kanilang pagmamahal sa pamilya. 

Responsableng panganay na anak si Chico, ngunit isang trahedya ang maglalayo kay Chico mula sa kanyang pamilya na siya ring dahilan para ilagay siya ng kanyang mga magulang sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Sa kabila ng malagim na nakaraan, susubukan pa rin ni Chico mapalapit sa kanyang magulang at mga kapatid. Pero agad ding mauudlot ang kanilang saya dahil isang sekreto ang mabubunyag na gugulo sa kanilang buhay: may ibang babae ang kanilang amang si Fernan. Dito uusbong ang ibat’-ibang problemang susubok sa katatagan ng pamilya Mabunga at maging sa pagkatao ni Chico. Puno man ng pagsubok, makakasama naman ni Chico si Betty (Arci Muñoz), ang matalik niyang kaibigan na kasangga niya sa lahat ng laban.

Mapanatili pa rin kaya ang pagmamahal sa kanilang puso at pilitin pa ring mabuo ang kanilang pamilya?
Kasama rin sa dekalibreng cast ng “Pamilya Ko” sina Irma Adlawan at Alyssa Muhlach. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raymund Ocampo.

Panoorin ang kwento ng “Pamilya Ko” sa ABS-CBN simula September 9. Para sa updates, i-follow lang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).