ABS-CBN’s footprint expansion in the international market continues to gain strength as two of its hit primetime teleseryes— “The General’s Daughter” and “Ngayon at Kailanman”—have been acquired by Sky Net International Drama Channel for airing in Myanmar.
Mga programa ng ABS-CBN, patuloy na pumapatok abroad
Patuloy na tinatangkilik abroad ang mga programa ng ABS-CBN dahil napapanood na rin sa Myanmar ang dalawa sa patok na Kapamilya primetime teleserye ng ABS-CBN na “The General’s Daughter” at “Ngayon at Kailanman.”
Natutunghayan sa Sky Net International Drama Channel, isa sa mga nangungunang stations sa Myanmar, ang dalawang Kapamilya teleseryes na naka-subtitle sa wikang Burmese.
“The General’s Daughter” premiered on August 4 and airs during primetime (Friday to Sunday, 7 PM), while “Ngayon at Kailanman” started airing on Sky Net last June 24. Both shows are subtitled in Burmese on Sky Net International Drama Channel.
Ipinalabas noong Agosto 4 ang “The General’s Daughter” ni Angel Locsin at umeere ito sa primetime (Biyernes hanggang Linggo, 7 PM) block ng nasabing channel. Samantala, noong Hunyo 24 naman nasubaybayan ng Myanmar viewers ang “Ngayon at Kailanman.”
Muli na namang tumibay ang reputasyon ng Kapamilya network bilang trusted producer ng magagandang programa para sa international audience dahil sa pag-ere ng “The General’s Daughter” at “Ngayon at Kailanman” sa Myanmar. Kabilang din sa mga tinatangkilik na Kapamilya teleseryes abroad ngayong taon ay ang “The Blood Sisters” sa Kazakhstan, “Pangako Sa’Yo” sa Dominican Republic, “Halik” sa Tanzania, at ang co-production ng “Hanggang Saan” sa Turkey ng ABS-CBN at Limon Yapim.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.