News Releases

English | Tagalog

Mga bagong koponan, paiinitin pa ang 2019 PVL Open Conference sa ABS-CBN S+A, iWant

August 07, 2019 AT 06 : 19 PM

Don’t miss the opening of the 2019 PVL Open Conference this Sunday (August 11) LIVE on S+A and LIGA, on high definition on S+A HD and LIGA HD, online on iWant, sports.abs-cbn.com, and TFC.tv.

Creamline, pahihirapan sa inaasam na back-to-back…

Malapit na matapos ang paghihintay ng fans sa pagbabalik ng Premier Volleyball League (PVL) sa pagsipa ng 2019 Open Conference ngayong Linggo (Agosto 11) LIVE mula sa FilOil Flying V Center sa San Juan City sa S+A, LIGA, at iWant, tampok ang mga bagong koponan na susubukang agawin ang korona ng defending champion na Creamline Cool Smashers.
 
Mula sa anim na koponan sa Reinforced Conference, siyam ang maglalaban-laban ngayong Open Conference sa pagbabalik ng Philippine Air Force Lady Jet Spikers, na pangungunahan ng mga beteranong sina Wendy Semana at  May Ann Pantino. Isa pang baguhan ang Chef’s Classic Lady Red Spikers, na bubuuin naman ng kampeon sa NCAA Season 94 Women’s Volleyball na San Beda Lady Red Spikers bitbit ang kanilang kambal na star player na sina Nieza at Ella Viray. Inaabangan din ang Choco Mucho Flying Titans, na binabandera nina Kat Tolentino, Maddie Maddayag, at Bea De Leon, na parte ng koponan ng Ateneo na nagwagi sa UAAP Season 81, kasama ang isang alamat sa UAAP volleyball na si dating DLSU Lady Spiker Manilla Santos-Ng.
 
Agad namang sasabak sa kanilang unang laro sa harap ng mga naghihiyawang fans ang Lady Jet Spikers kontra sa 2018 PVL Open Conference champion na Creamline Cool Smashers nina Alyssa Valdez at Jia Morado ng 2 pm na nais bumawi sa kanilang pagkatalo sa PetroGazz sa unang conference ng taon. Susundan naman ito ng bakbakang BanKo Perlas Spikers nina Nicole Tiamzon at Dzi Gervacio kontra sa 2019 PVL Reinforced Conference champion na PetroGazz Angels nina Paneng Mercado at Jonah Sabete, na papatunayang malakas pa rin sila maski wala na ang kanilang mga import.
 
Huwag palampasin ang pagbubukas ng PVL 2019 Open Conference simula Linggo (Agosto 11) LIVE sa S+A at LIGA, sa high definition gamit ang S+A HD at LIGA HD, online sa iWant, sports.abs-cbn.com, at TFC.tv simula ng 2 pm.
 
Para sa karagdagang impormasyon at mga kwento tungkol sa PVL, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.