The grand-finalist lineup of “Tawag ng Tangalan’s” third year on “It’s Showtime” is about to be completed as the competition allots another week to search for the last two slot-holders who will compete for the championship in the grand showdown on September 21.
Habang papalapit ang grand finals ng ikatlong taon ng “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime,” unti-unti na ring nakukumpleto ang mga pangmalakasang boses na magtatapatan sa grand finals na kikilalanin ang pinakabagong grand champion sa Setyembre 21.
Pinunan nina Shaina Mae Allaga ng Zamboanga del Sur at Rafaello Cañedo ng Davao del Sur ang ikasiyam at ikasampung pwesto kahapon (Setyembre 6), matapos nilang pagtagumpayan ang Instant Resbak week at nakuha ang pinakamatatataas na combined madlang people votes at hurado scores sa pagtatapos ng Instant Resbak week.
Nananatiling mahigpit ang kapit ng madlang people sa matinding bosesan sa tanghalian dahil dadaloy pa rin ito sa Ultimate Resbak Week naman na nagsimula noong Sabado (Setyembre 7) at kung saan 16 na resbakers ang magsasagupaan para kumpletuhin ang grand finalists na magtutuos sa huling tapatan.
Sa pag-uumpisa ng Ultimate Resbak week, iniluklok sa “seat of power” sina Mariane Osabel at Kim Nemenzo.
Makapigil-hiningang performances pa rin ang aabangan dahil gaya noong nakaraang taon, isang linggong sasalain ang resbakers na gagamit ng iba-ibang istratehiya at matapang na hahamunin ang isa’t isa para mailuklok sa “seat of power.”
Sino kaya ang huling singers na lalaban sa grand finalists na sina Elaine Duran, Ranillo Enriquez, John Mark Saga, John Michael Dela Cerna, Charizze Arnigo, Jonas Oñate, Violeta Bayawa, Julius Cawaling, at Shaina Mae at Rafaello?
Mapatutok ang madlang people sa isang linggong huling tapatan, kung saan tatanghalin ang pinakabagong “Tawag ng Tanghalan” grand champion na magwawagi ng house and lot, negosyo package, family vacation package, management contract mula ABS-CBN, recording contract sa TNT Records, at P2 milyon.
Patuloy na subaybayan ang pasiklaban sa kantahan sa “Tawag ng Tanghalan,” sa “It’s Showtime” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa updates, i-like ang
www.facebook.com/TawagNgTanghalan o sundan ang @tntabscbn sa Twitter. Para naman mapanood ang episodes ng programa, mag-download ng iWant app (iOs at Andoid) o mag-register sa
iwant.ph.